I would like to seek advice regarding our problem with the person who bought our motorcycle.
Please be patient po with my long story, I just would like to narrate the whole scenario..
Ganito po kasi yun, meron po kaming kinuhang hulugan na motor, na ibinenta po nmin sa 3rd party, may contract po kmi. Installment din po ang bayad nila sa amin, P2,800/mon. Nasa contract po namin every 30th po ang due date nila. Pero sa unang payment po nila na dpat Dec30,2010, nakiusap na tuwing 5th na lang daw po. so we agreed. Mga succeeding payments po nila late pa din khit na-move na ung due date. So kami po ang laging nag-aabono sa Norkis pati ng penalty for late payments. Lagi po nming pinagbibigyan mga pkiusap nila. July po, P2,000 lang ang ibinayad nila. They promised na Aug5 magbabayad..naging Aug.20. Aug 27 na po sya nagbayad ng P3,200, so kulang pa ng 400. So hindi po namin binayaran sa Norkis ang due for Aug.
So my husband & I decided po na kapag di sila nagbayad ng due nila ng Sept, di na kami mgbabayad sa Norkis para ma-repossess ung motor sa kanila. Dahil sobrang hirap po nilang singilin at ma-contact(papalit-palit po sila ng number). In short di po sila nagbayad ng Sept at Oct. So naging delinquent na po ang acct nmin sa Norkis dahil 2 mos. unpaid na.(Aug&Sept) 2nd week of Oct. I went to Norkis to coordinate,I told them po about the case, and I asked kung pwede ng mabatak yung motor.
So they agreed. So in short po, narepo ng norkis yung motor dun sa bumili sa amin. Nagharap-harap po kami sa ofc ng Norkis, dahil ayaw po nilang i-surrender ung motor at magbabayad daw po sila ng utang sa amin. Ending po, they were asked to settle the full amount until maturity (Nov), bale 4 mos. po bale yung hinihinging payment sa kanila ng Norkis (P11,652). Syempre nagalit po sila dahil alam nila 2 mos lang utang nila. So ang ending po humingi sila ng palugit para maproduce ang amount na yun.
Ngaun po, nalaman nmin na instead na sa amin sila makipag-usap para sa magiging arrangement ng balanse nila sa amin, which is until May next yr, ung manager po sa Norkis ang tinatawagan nila at nalaman po namin na dun sila nkikipag-areglo, at tinanong pa daw po sa norkis na kung mabayaran daw ba nila ung full amount eh mare-release sa kanila yung motor pati ung mga orig'l papers nito.
So nag fire-up po talaga kaming mag-asawa. May plano pa po kaming isahan. kaya ginawan po nmin ng paraan na kami ang tumubos sa Norkis ng motor. So ngaun po nsa amin ung unit pati mga papeles ng motor nasa amin na din po. So nagalit po ung buyer namin ng malaman niya ito, at bastos, mayabang at threatening pa ang mga texts niya sa amin. Ang sabi po kasi nmin iri-release lang nmin ang motor sa kanila kung babayaran nila ng buo yung binayaran nmin sa Norkis at yung balanse nila til May nxt yr. Dahil nawalan na po kami ng tiwala sa kanila dahil alam namin na once makuha nila ang motor, sigurado pong pahirapan ng makasingil pa kami sa kanila. Yun din po kasi ang advice ng Norkis sa amin.
Kaya ngayon po galit na galit yung buyer sa amin, at siya pa ang nananakot na idedemanda kami dahil may kontrata daw kmi.. May maikakaso po ba siya sa amin? May habol pa po ba sila sa motor?
Tama po ba ang iniisip namin na tama lang ang ginawa nmin sa pag protekta sa motor? In the first place, yung date pa lang ng payment sa kontrata vs. date ng payments nila di po ba talo na sila doon? At sa amin po nakapangalan talaga yung motor. May right po ba kaming mag-demand talaga ng full payment? Main concern po nmin kung may habol pa sila sa motor in case di sila makabayad ng full at kung may maikakaso ba sila sa amin?
Thank you so much for your time and looking forward to your advice.
God speed!