Last Sunday (Aug 28, 2011) pauwi kami ng probinsya ng mga anak ko. On the way, magpapagasulina sana ako sa caltex balintawak at duon na din hintayin yung makikisakay sa amin. Dahil naiihi na yung anak ko, dumeretso muna kami sa cr kaso pagbukas niya ng pinto, nabagsakan ng pinto ng cubicle ng CR yung thumb ng paa nya.
Dumugo at nangitim yung kuko at namimilipit sa sakit yung anak ko. He's only 7 years old so imagine the pain. Ininform ko sa management yung nangyari, humihingi ako medical kit dahil umiiyak yung bata sa tindi ng sakit. Cleenex at yelo lang binigay sa akin. Itinanggi pa nilang sira yung pinto habang inaayus nila ito.
Umuwi kami ng probinsya at umasang hindi magiging grabe yung aksidente.
Pagdating sa probinsya, nakita ko dumudugo pa din at itim na itim na yung kuko. Itinakbo ko na sa ospital at inadvice na tanggalin yung kuko.
Umiyak sa sakit at na-trauma yung bata sa nangyari. I made a promisory note sa mayari ng gasulinahan na hihingi ako ng medical assistance kung anuman ang mangyari sa anak ko. at pumirma naman yung isang tauhan nila. Pero narinig ko Medical Insurance ang sasagot.
Should I file a case against them or ok lang to ask for monitary assistance..kasi sabi nila medical insurrance daw sasagot e kelan pa yung medical insurance pag putol na yung daliri?
Magkano po kaya ang tamang halaga ng DANYOS PERWISYO ang hihingiin ko?
Umaasa po sa agarang pagsagot ninyo..