NEED HELP Pleeease!
Naaksidente po kami nung May 19, nabangga kami ng motorsiklo kaya lang nadisgrasya yung driver at naospital. May evidence po kami na nasa linya kami at sila ang bumangga sa amin. Apparently lasing kasi yung mga nakamotor. Nagka-aregluhan at nagkaroon ng kasunduan, nagbigay kami ng paunang bayad na 10k at nangakong "tutulungan" sila sa hospital bills at sa burial kung sakaling namatay. Bilang hindi po kami ang may kasalanan at bumangga, ayaw po naming saluhin ang lahat ng gastos dahil pag nagkaso sila ay sigurado namang hindi sila mananalo, iniwasan lang po namin na ma-inquest ang asawa ko dahil weekends yun at hindi rin sya pwedeng mag absent sa office. Nung Linggo nagdecide ang family nung nakamotor na tanggalin na ang life support dahil wala ng bp yung driver ng motor. Tinatakot kasi kami ng mga imbestigador na kapag namatay daw yung tao e iiinquest/ikukulong pa rin ang asawa ko. Tama po ba iyon? May karapatan po ba silang ikulong pa ang asawa ko kahit wala namang kaso at warrant of arrest? Hanggang kelan po ba pede magfile ng kaso yung namatayan? May validity po ba iyon?
Ano po ba ang dapat naming gawin para maiwasan ang extortion ng kabilang kampo. Since comprehensive ang insurance namin, I believe na covered naman yung hospital bills at burial upon providing them the receipts and bills and evaluation.
Ano po bang advise nyo upang masigurado namin na matapos namin silang bayaran at tulungan ay hindi na sila magkakaso pa.