I need help with my situation ng husband ko. Recently, he got involved in a car accident. Company car ang nakabanggaan nya. Since yung husband ko ang nakabangga sa likod, sinabi na lang nya sa driver na sya na ang magshshoulder ng gastos sa company car nya.
We don't have a car insurance anymore kasi old car na yung sa amin. Pero nakipag usap kami sa company na magbabayad kami ng pagpapaayos ng sasakyan.
After a few days, binigyan kami ng quote ng gastos sa sasakyan pero napansin namin na overpriced yung quote. Na compare namin sa kilala naming auto shop and very significant yung baba ng sa kilala namin kesa dun sa binigay sa amin ng company. Ilang beses na kami nakikipag usap sa company, pero ang gusto nila terms nila ang masusunod sa pagbabayad.
Willing naman sana kami magbayad kaso parang iniipit kami ng company. Natatakot kami na baka kasuhan kami. Help with what our options are please. Thank you!