Noong ako po ay nasa taunang bakasyon nito lamang April 2011 ay aking nasaktan ang aking asawa at anak sa kadahilanang hindi pag iingat ng aming gamit at maraming gamit na nawawala sa loob ng aming bahay. Nagkaayos naman po kami pagakatapos noon at ako po ay muling nakabalik pagkalipas ng isang buwan bakasyon nito ring buwan ng May 2011.
Bago ako umalis pabalik dito sa abroad ay ibinigay ko sa aking panganay na anak na lalaki ang Laptop na aking ipinangako bago pa sya nag graduate ng high school upang makatulong sa kanyang pag aaral sa kolehiyo (University of Manila) sa kondisyon na sa bahay nya lamang gagamitin at hindi nya pwedeng dalhin sa pagpasok sa eskwela para narin sa kanyang kaligtasan bilang isang public commuter. Pero nito lamang pong July 2011 nalaman ko sa aking kapatid na dinadala nya sa eskewla ang Laptop sa kabila nang merong kaming napagkasunduan. Tinawagan ko ang aking anak upang pagalitan at sinabi na bakit nya sinuway ang aking utos at aming napagkasunduan. Sa kagustuhan kong bigyan ng disiplina ang aking anak sa hindi nya pagsunod sa akin ay sinabihan ko sya na ibigay nya ang Laptop sa tita nya o sa lola nya na ang aking lamang hangarin eh bigyan lamang sya ng disiplina at ibabalik korin naman kung hihingi sya ng tawad sa hindi nya pagsunod sa akin. Tumawag akong muli sa bahay pagkalipas ng isang lingo at nalaman ko na hindi nya sinunod ang aking utos at patuloy nya parin na dinadala ang Laptop sa kanyang pagpasok sa eskwela sa pagkukunsinte ng aking asawa. Noong tumawag po ako sa kanila eh ini loud speaker nila ang cell phone at sinet-up nila ako sa barangay upang madinig ng mga tao doon habang ako ay nagmumura at sumigaw sa galit. At narinig korin po na may nagsabi na ako po ay isang baliw. Dahil po dito, nagdesisyon po ako na hindi sila padalan ng sustento para sa buwan ng august 2011 bilang protesta sa kawalan nila nang respeto sa akin sa kabila nang ako ang nagtataguyod upang maging maayos ang buhay namin.
Ako po ay dinemanda ng aking asawa sa paglabag sa RA 9262. Gusto ko lamang pong malaman kung may bisa po ang demanda dahil mahigit tatlong buwan napo ang nakakalipas noong sila po ay aking nasaktan? Nakikipag ugnayan po ang aking asawa sa POEA upang ako ay mapauwi sa Pilipinas upang harapin ang aking kaso at desidido po sya na ako ay ipakulong. Meron po bang kakayahan ang aking asawa na mapauwi ako pabalik sa pilipinas? Maraming salamat po at lubos na gumagalang.
Ferdinand.
00966.53.2166825