Magandang araw po sa lahat ng bumubuo ng Pinoy Lawyers at sa lahat ng miyembro. Hindi ko po alam kung paano ko talaga gagawin ito, nag lakas loob lang ako dahil wala akong malapitan at makausap tungkol sa problema kong ito. Wala po akong kaalam alam na kinasuhan ako ng dati kong kinakasama at nanay ng anak ko ng R.A. 9262 Anti-Violence against women and their Children, nalaman ko lang po it noong ika 8 ng kasalukuyang buwan, pero naisampa ang kaso noong ika 4 pa nng Septyembre taong kasalukuyan. Ang isinampang kaso sa akin ay nakarating na sa Korte dahil daw po sa 3 ulit na aking hindi pag dating sa nasabing pag dinig. Mawalang galang na po pero po hindi ko po talaga lubos maisip kung saan napunta ang imbetasyon ng pag dinig kung ito ay naka address sa aming tinutuluyan. Kunng iisipin lang po sana natin paano ko po palalagpasin ang isang bagay na mag bibigay daan sa akin para makita ko na ang hinahanap kong anak at ina ng aking anak.. Nawala, umalis pero iniwan pala nila ako noong ika 28 ng Agosto taong kasalukuyan habang ako ay natutulog at sa aking pag gising hanggang ngayun 75 araw na po hindi ko parin alam ang lagay ng anak ko at kung nasaan po siya. Ako daw po ay iisuehan na lamang ng warrant dahil po sa aking hidi pag sipot. Ang isa ko pa pong katanungan ayano po ang basehan upang mag sampa ng kasong R.A. 9262?
Bilang ama karapatan ko din naman pong malaman kung nasaan ang aking anak.
Ipagpaumanhin po ninyo kung ako po ay may nabitawang salita na hindi angkop sa ating pahina, maraming salamat po at ngaun pa lamang po hihiling na ako ng pamasko sana po tulungan nyo akong makita at makasama ang anak ko lalo na po at mag papasko..
Muli sa lahat ng bumubuo at miyembro ng Pinoy Lawyers,
Maraming Salamat po..