meron po kasing programa ang aming kompanya na zero obesity, na kailangan daw po lahat ng empleyado ay nasa normal n BMI..papaano po kapag hindi n meet ng mga obese or overweight na empleyado ang gusto nila na zero obesity..nagbigay po sila ng 1 year para ma meet mo ang normal BMI.meron pong pinalad at meron din pong hinde..
tapos meron din pong agreement na pinapirma sa kanila na kapag hinde nila nameet ang normal BMI,goodbye na daw po termination or resign po ang pagpipilian..
pwde po b na wala silang pipiliin sa dalawa,dahil nagagampanan naman po nila ng mabuti ang kanilang trabaho..o pwde po ba nila tanggihan ang offer..karamihan po sa kanila ay nasa 5-15 yrs in service sa company..
salamat po sa magiging advice ninyo..