Hi, depende, hindi mo pwedeng basta bawiin na lang ang Donation PERO kung mapapatunayan mo na yun legitime mo (mandatory part mo sa mana)ay kulang kaya dapat mapunta sayo ang portion nang donated property, maari mo maquestion ito kahit na illegitimate ka. Take Note na ang legitime nang illegitimate child ay 1/2 lang kung anong value nang nakukuha nang legitimate child ang parte mo. May tamang computation kasi sa legitime kaya dapat personally ka magconsult sa abogado. Try mo sa Public Attorneys Office, pero bigyan lang kita nang konting sample.
Halimbawa ang tatay mo nun nabubuhay pa ang value nang lahat nang property niya ay 10M. Sa 10M na yun 5M ang mandatory Legitimes para sa LAHAT nang heirs niya, in short un 5M protected yun, yun other half lang ang pwede ni i-dispose through Donations or Testaments. So kung ang value nang bahay na nadonate ay 2M, wala kang habol kasi 5M ang pwede niya i-dispose through donation. Pero kung ang value nang bahay ay 6M so pwedeng maquestion mo ang excess na 1M, PERO hindi lahat nang 1M mapupunta sayo kasi paghahatian niyo pa yan nang asawa at anak nang tatay mo, at kung magkano ang parte nang legitimate na anak niya, kalahati lang ang sayo.