gusto ko po sanang malaman kung may habol pa po kaming mga anak (heirs) ng daddy namin...dahil po ang mga tiyuhin at tiyahin ko po ay nagparte ng mga lupa... eto po ang sitwasyon...
ako po ay anak ng na namayapa na... ang akin pong lola ay buhay pa...biyuda...89 years old na po xa...naka wheel chair at para pong ulyanin na at grade 5 lang po ang natapos... may walo po siyang anak dalawa na po ang namayapa na at isa po doon ang tatay ko(pangalawa sa magkakapatid...panganay na lalaki) ...meron pa po siyang natitirang 6 na buhay ang anak... pero po may mga properties po ang lola na pinaghati hatian nila(6 na buhay)... ung anim po na yun ay gumamit ng deed of donation... kasama po ang lola as DONOR sa pagpirma...at ang mga tiyuhin at tiyahin ko pong buhay as DONEE...ang sabi po ng isa kong tiyahin ay wala na daw kami pakealam dun sa mga properties na un dahil pinaghati-hatian na po nila un... hindi naman po kami informed na un po ay paghahati-hatian po nila or pumirma kami sa waiver na kami ay pumapayag na ang tatay po namin ay walang hati doon sa properties na un...at sila po ay nasa amerika...wala po kami access sa lola at madalang lang po siya umuwi d2 dahil nga po mahina na... kami po bang mga anak ng namayapa na tatay namin eh may habol pa po sa properties na iyon? minadali po kasi ang pagpapalipat ng properties na po na un sa tiyuhin ko...may bago na pong titulo... last year lang po eto sinubmit sa Registry of Deeds... salamat po...