- Ang lupa po namin ay naisanla ng magulang ko noong 1994, hangang mapagkasunduan na ibenta at nagkaroon po sila ng deed of sale noong 1999(ang 2 original copies ng deed of sale ay nasa amin,ngunit hindi nakapirma ang bibili),hindi po namin alam kung mayroon din siyang original na kopya ng deed of sale.
- Ang pagbabayad po ay hulugan lamang.
- Ayon po sa Nanay ko(dahil siya po ang kausap sa bentahan) ay hindi po daw ito nabayaran ng buo bago siya namatay noong 2007.
Ang lupa ay nakarehistro sa pangalang ng Tatay(buhay pa) ko dahil sa kanya nakapangalan ang amilyar hangang ngayon 2011
- Hindi po binabayaran ng nakabili ang amilyar
- Hindi po nakikipag usap ng maayos(o hindi ipinapaliwanag sa amin) ang nakabili kung anong napagusap nila ng Nanay ko
- Pina survey po namin ang lupa para Magawaan ng Titulo
Tanong:
1.Legal / makatarungan ba na ang pagpapagawa ng Titulo ng tatay ko kahit nagkaroon na sila ng deed of sale?(may 2 original copies kami ng deed of sale)
2.kapag napa-titulo-han na ng tatay ko ay pwede na po ba namin na paalisin ang nakatira doon(pinapa upahan po ng nakabili ang bahay mula 1999)?
3.Gusto po talaga namin mabawi ano po ba ang dapat naming gawin
4.Gaano katagal po bago i auction ng munisipyo ang lupang hindi nababayaran ang amilyar sa kaso po namin ay 17years na mula 1994-2011
MARAMING SALAMAT PO!