ano gagawin namin para magrant sa amin ang title since kami ang nakatira na dun for 12yrs at kami na din nagbayad. Pwede po ba mai-award sa amin yun since kami na din ang nagbayad. Pati amilyar kami din ang nagbayad.
yung una kasi namaing natanungan sa NHA, okay na daw since yung awardee eh hindi naman nakakabayad na ng ilang dekada at kung sino ang nakatira at nagbabayad pwedeng mai-award. Binigyan na nga po kami ng mga needs for requirements. Nung bumalik kami with requirements, mali daw ang info na binigay sa amin ng una naming nakausap. Nung tinanong namin ano mangyayari sa lupa? Pwede daw nila ibigay sa iba, Napataas ang boses ko at nasabi ko "kahit fully paid na?" biglang sagot sa amin "hold lang ang title". Sabi pa nya sa amin pwede makapagpanotaryo kahit walang papeles, nakabili nga daw sya ng lupa ng walang papeles.
paano namin makiclaim ang title? hindi na namin mahagilap ang nakabili dun sa awardee para hanapin ang deed of sale nila. Yung awardee ay patay na po.
Di ba po pag nagpa notaryo ibig sabihin may mga documents na pinakita kaya po pinirmahan ng abogado ang deed of sale? Ibig sabihin po ba nito walang silbi ang notaryo?