Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

deed of sale, biniling lupa pero hindi buo ang bayad, etc

Go down  Message [Page 1 of 1]

roxanvillanueva1987


Arresto Menor

hi!
gusto ko lang sana humingi ng legal advise

nakatira kami sa bahay ng lolo ko pero namatay na siya nong march 2016. ang lupang tinitirhan namin ay nakapangalan sa lolo ko at sa kabit niya. noong 2010, binenta ng lolo ko ang lupa worth 1.2M , nagkaroon daw sila ng kasulatan ng buyer pero walang titulo na binigay ang lolo ko sa buyer, parang agreement lang between buyer and seller. nagbigay ang buyer ng 600,000pesos bilang downpayment. pagkalipas ng ilang buwan, nagbago ang isip ng buyer at gustong bawiin ang binayad nyang 600,000pesos sa lolo ko. since nagastos na ng lolo ko ang pera, di niya ito naibalik sa buyer so ang nangyari tinirhan ng pamilya ng buyer ang ilang portion ng lupa/bahay. at sila na rin ang kumukuha ng bayad ng isang pamilya na nangungupahan dun sa bahay/lupa bilang interes daw dun sa 600,000pesos. kami naman ng aking pamilya ay patuloy na naninirahan ng libre sa ilang portion ng bahay ng lolo ko.
ngayon,kinausap kami ng buyer na kukunin na daw nya ang buong lupa dahil di pa rin daw binabalik ang 600,000pesos na binayad nya sa lolo ko. in short, gusto nya kaming paalisin para maging kanya na ang lupa at mailipat sa name nya ang property.
tanong ko lang po
1) may karapatan ba sya na kunin ang buong lupa? gayung wala naman syang pinanghahawakang papeles/dokumento?
2)ano ang pwede namin gawin? di rin kasi namin mahanap ang titulo ng lupa pati na rin ung deed of sale?
maraming salamat at sana matulungan niyo ako sa problema ko.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum