Last May 6, nagpunta po ako sa Caxxxxcal Center para magpa check up sa naninigas ko mga kamay at pananakit ng buo kong katawan, chineck po ako ng ER Doctor at ang sabi po nya sa akin, baka kulang ka sa calcium or meron kang thyroid problem. Tinanong nya po ako kung gusto ko magpa-admit,sabi ko kung covered ng card magpapa admit po ako.bumalik po sya at pinapunta na nya sa admitting section ang asawa ko.
kinabukasan, pumunta po yung officer-in-charge ng medicard sa capitol at pinuntahan po ako sa kwarto ang sabi po nya"ma'am sorry pero di po kayo covered ng card kc po exclusion sa coverage yung initial diagnosis sa inyo". sabi ko 'hindi ako magpapa-admit dito kung kahapon pa lang sinabi ninyo na sa ER di ako macocover ng card! ang suggestion nya po, maghintay daw po kami sa results ng mga laboratory at baka magiba ung diagnosis.
Umabot ako ng hanggang 05/10 na naka-admit sa capitol at lahat ng laboratory ko ay walang problema, umabot sa puntong mula sa Private Room (na covered ng card) ay napababa po ako sa Ward Room.Hindi ako palalabasin ng hospital hanggat di nababayaran ang bill at nanindigan po ang Medicard na talagang hindi ako tulungan.
Nakiusap po ako sa kompanya ko na tulungan ako,ngunit ang ginawa nila ay binayaran ang hospital bill at evry cut-off ay binabayaran ko ung amount ng hospital bill at ang deductions ay 50% from my salary. Tama po ba na ganun kalaki ang deductions sa akin at kahit on going pa rin ung investigation laban sa Mexxxxd? ano po ba ang pwede ko maging laban dito?
Thank you in Advance! God bless![center]