Good day po, Atty.
May kaso po ako na Reckless imprudence resulting to homicide. Nangyari po yun last November,6:30 PM) habang pauwi po ako galing trabaho. Habang nagmamaneho po ako, may matandang biglang tumawid sa daan (74 yrs old po ang edad). May sinusundan po ako na tricycle noon at may mga sasakyan din na kasalubong with headlights on,kaya medyo limited na yung vision ko. Parang bigla na lang bumulaga sa harap ko yung matanda,kaya di ko na din naiwasan. Nahagip ko pa din po yung matanda sa side flaring ng motor ko at tumilapon po ako sa attempt ko na iwasan. May mga nakakita po na nahagip muna nung tricycle na sinusundan ko, pero nakatakas na yung tricycle at driver. hindi na po nila nahabol o naplakahan. naisugod pa po sa hospital yung matanda, pero namatay din after mga 4 hours due to(as stated dun sa death certificate) a. cardiopulmonary arrest b. hypovolemic shock c. multiple injury(traumatic brain injury, right open complete tibulofibula fracture). Kumpleto po naman ako sa papeles ng motor, insurance, driver's license, lights and gear. I'm travelling in moderate speed at sa tamang lane po ako. may malapit po na pedestrian lane sa pinangyarihan ng aksidente, pero hindi po ginamit nung victim. nakapag-file na po kami ng counter affidavit, at nag-aantay po kami ng resolution. ano po kaya ang magiging kahihinatnan ng kaso ko? Marami pong nakakita sa insidente at iisa ang sinasabi nila na hindi ako ang nakapuro sa matanda. natatakot po sila mag-testigo dahil retired SPO4 po yung victim.ang gustong palabasin po ng family nung namatay ay ako lang daw po ang sasakyan na nakahagip dun sa matanda.at nagproduce pa po sila ng dalawang false witnesses na magdidiin sa akin. Isa pa pong concern ko is may inaantay po akong employment visa to work overseas this february. Paano po kaya ang gagawin ko? Sana po matulungan ninyo ako at ang pamilya ko na umaasa sa akin. Maraming salamat po.
Last edited by mclovin on Wed Jan 02, 2013 11:13 pm; edited 2 times in total