follow-up po... i have already filed a motion to reduce bail kasi po may warrant of arrest na ako pero di pa naseserve. im still waiting the approval for that. Right now nakikipagcommunicate ako nung nagreklamo sa akin in a very humble way, ako pa nga nagbibigay ng info kung ano update sa case. dun po sa nakalagay sa resolution ang cliniclaim nya is 300k, i decided to have a talk with him together with his atty. ang layo pa ng binyahe ko but it is ok since ako naman ang nireklamo nya. malumanay naman ang naging pag-uusap namin, humingi ako ng paumanhin sa nangyari at sinabi ko na yung amount na hinihingi nya is obviously sobrang malaki para dun sa damage nung sasakyan (300k for an old vehicle, who's damage is not that great, nayupi lang yung harap? grabe), ang sagot nya sa akin may hawak syang cost estimate galing sa magagandang company na nagrerepair ng sasakyan plus yung payment daw ng atty pa nya, yung abala, yung pinangtataxi nya, kulang pa nga daw yung 300k so ang plano nya is iraise sa 400k. i told him na maliit lag ang sweldo ko at ang dami kong pinapakain sa bahay...i already proposed to him na babayaran ko naman sya basta yung sa tamang amount lang at gagawan ko talaga ng paraan para iutang yun, naiyak na ako dahil talagang parang feeling ko gusto nya talaga akong perahan. so still, hindi ko sya inaway at umalis na lang po ako at sinabi sa kanya na iinform ko na lang po sya at maguusap pa ulet kami. yung nagreklamo po sa akin ay may alam sa batas, hindi sya abogado pero marami syang kilala at experienced na rin sya sa mga proceedings sa korte, and kung mag-iisip lang talaga ako ng masama malamang na sya din ang dahilan kung bakit resolution agad ang natanggap ko at sinasabi doon na hindi makita yung address ko samantalang ang laki laki ng number sa gate ng bahay namin at main street pa at malapit sa korte.
ano po ba ang dapat kong gawin, masyado pong marunong yung nagreklamo sa akin at grabe kung maningil.