anyways, here is the story:
trusted na kasi po kami ng hubby ko na magloan sa isang private individual financer, almost 2 years na kaming renew nang renew ng loan namin and good payor naman po kami except that just December 2010, nag reloan and hubby ko ng 50k and ako ng 20k for our wedding nung same month.
Yung sa hubby ko, 50k was to be paid every payroll day- 7th and 22nd of the month from December 22-April 07, 2011, php6,250.00 per payroll day, atm ang collateral. Kaso unexpectedly nagtanggalan ang sa agency nila and my hubby was one of the unlucky few. Til December 31, 2010 na lang siya sa work, nasabihan sila a week after mairelease yung loan niya. Ayun, since wala ng work ung hubby ko, di na siya nakabayad. The private individual thought my hubby knew about sa layoff na all the while binigla lang silang lahat. April 07, 2011 ung lapse ng loan niya and di siya nakapagbayad. We just learned na kakasuhan daw siya ng estafa nung private individual. Is it ground for estafa ba talaga po? Notarized yung promissory note na isinubmit ni hubby upon release of the loan.
And yung loan ko, I paid it in full one month before na magexpire yung term ko- one way na masasabi namin na hindi naman namin balak takasan yung loan namin kasi if ever, di ko na sana binayaran kahit yung loan ko.
help on this please... estafa case na ba ito?
2 ang co maker ni hubby- ako at ang isang friend niya na nagloan din dun, di na pinapasahod yung isang co maker. kinukulit na nga nung private individual na magreklamo na daw...