good day po. nais ko laman po sanang magtanong..please po sana pakisagot.. sinampahan po kami ng kso ng isang tao na aming pinagkakautangan. dalawa po kami na sinampahan ng case na Bp22..nanghiram po kami ng halagang tig 50,ooo pesos.. na PAYABLE IN 3 MONTHS AT SA PANG 4 MONTHS AY BABAYARAN NG BUO UN PRINCIPAL NA INUTANG NA MAY 20 PERCENT AS INTEREST, BALE KADA BUWAN AY NAGBABAYAD KAMI NG HALAGANG TEN THOUSAND AS INTEREST PO LAMANG, NAGSIMULA PO IYON NUNG SEPT.LAST YEAR, BILANG COLLATERAL, PINAG ISSUE NYA KAMI NG CHEKE.SUBALIT NOONG NOV. KAMI PO AY DI Nakapagbigay ng bayad dahilan sa kami ng aking kasama ay nagipit ng husto at ang negosyo na tindahan na aking itinayo ay nalugi na sinabayan pa ng aking pagkakasakit. magkagayon man ay patuloy kami na nakikipag usap sa taong nagpahiram, noon ding buwan na yon ay na close ang aking account sa bank, at sya ay na inform naman, kung kayat ang kanyang ginawa ay pinagawa kami ng promisory note na pinanotaryohan sa abogado, nung panahon ding iyon ay nagbayad ang aking kasamahan ng halagang 9000 upang kabawasan sa utang, tinanggap nya ang pera at itoy ibinawas nya sa balanse ng utang, subalit ang utang ay dinagdagan pa nya ng penalty na 15 percent sa bwat buwan na delay, hindi rin sya pumayag na hindi mag issue ng panibagong cheke, subalit ang aking account ay close na kya pinagpilitan nya na ang aking balanse ay isama na sa balanse ng aking kasamahan at ang prenda ay cheke ng ksamahan ko, so bale ang aming utang ay pinagsama sa isang cheke na nakapangalan sa kasamahan ko,hindi pa din po kami nakapag bigay sa halagang nais nyang kunin sa amin, subalit kamiy patuloy na nakikipag usap sa kanya na magbabayad kami muna sa halagang kaya pa lamang namin at kapag nagkapera ay magbibigay ng malaki hanggang sa mabayaran ng buo.. subalit ayaw nyang pumayag at hinihingi sa amin ang malaking halaga.inireklamo nya kami sa barangay at doon ay nakipag usap pa din kami at syay di pa din pumayag art sinabing irereklamo na kami sa aming pinapasukan upang kamiy maalis sa trabaho, kami po ay guro sa public. natatakot kami sa kanyang banta kaya kamiy patuloy na nakikiusap sa kanya, at bilang patunay na kamiy di tiumatalikod sa nasabing utang, buwan ng mayo nitong 2012 kami po ay nagbayad ng tig 10,000 so bale twenty thousand pesos, at sa nasabing pag uusap sinabi nya na kami ay makakatanggap ng demand letter pero itoy balewalain na lamang dahil kamiy nagbayad naman, nakiusap na din kami na sanay bigyan pa akmi ng panahon na makabayad at wag ng paabutin pa sa korte, inakala namin na syay pumayag na dahil syay umoo subalit nung buwan ng hulyo syay nagpunta sa aming pinagtatrabahuan at kamiy inirereklamo sa prinsipal, at nagbanta na kami ay kakasuhan na.. nito nga pong aug ay nakatanggap kami ng subpoena at may arrainment na kami.. gusto ko lamang po sanang humingi ng payo.. hindi na po kc namin alam ang gagawin, mahirap lamang kami at simpleng guro subalit kamiy nagbabayad naman ng aming obligasyon, sana po ay inyo itong matugunan, pasensya na po sa napakahabang sulat ko.. salamat po....