meron po akong problema tungkol sa lote na aking tinitirhan ngayon. na may kabuang sukat na 90 sq meter naibenta po kasi ng nanay ko noon ang kalahati nito sa aming kamag anak. ok namn po noon ang pakikisama ng aming kamag anak tumira na sila sa kalahati ng aming lote pinagawan nila ng bahay.lumipas ang panahon nakapag abroad ang nanay ko at ang tatay ko naman ay nag asawa na ng iba.kaya ngayon ako na lng mag isa nakatira sa bahay namin.simula nuong naging mag isa na lng ako naging masama na ang pakikitungo ng aking kamag anak sakin.gusto na nila ako palayasin sa bahay na aking tintirhan ibebenta na raw nila ung buong lote.dahil naka award na raw sa kanila ung buong lote.inaaplayan pala nila ng palihim sa nha ang buong lote namin ng hindi manlang sinasabi sakin. endi po kasi naaprobahan noon ang pag aaply ng nanay ko sa nha.kasi meron syang kulang na requirements.
tanung ko lng po
pwedi po ba nila ako palayasin ng basta basta dahil awarded na sa kanila ung lote. anu po ba ang dapat ko na gawin wala na po ba ako habol sa lote namin na to kahit na old tenant kami dito mapapalayas po ba talaga ako
marami pong salamat sa makakapag payo sakin kung anu ang gagawin ko...