Question lang po about sa sinampang kaso samin ng employee namin which is illegal dismissal. at humihingi ng seperation pay for 15 years of service with 11,000 monthly salary.
tinangal namin ang driver namin with valid reason and with evidence sa barangay na nasangkot siya sa away sa oras ng trabaho at lasing din.. nalaman din namin ang pag kuha nya ng pang gastos sa pang gasolina at tollgate ng sasakyan. madami din siyang kaso ng disrespect at misconduct.
ang mali lng namin dahil sa nature of business namin hindi kmi nag bigay ng notice of terminaton dahil tindahan/retail store lng sa palengke ang business namin may 8 employee lamang at samin din nakatira.. wala dn kaming records of contract dahil usually verbal lang ang aming transaction.
Wala pang 3 lingo ay nag sampa na sya ng kaso ng illegal dismissal. nagkipag usap na po kami sa labor arbiter para sa kanyang seperation pay pero ayaw nyang pumayag sa offer namin na 40 thousand ang gusto po niya ay 80 thousand hinihingan na po kami ng position paper..
kung sakaling ilaban namin ang kaso may chance po ba na hindi sya mabigyan ng seperation pay o mabawasan ang kanyang makukuha? dahil may grounds naman ang dahilan ng kanyang pag ka terminate..
Maraming salamat po..