Ang company namin ay nasa retail supermarket, dahil sa pagpasok ng mga retail giant like SM/Puregold, nagdecide yung company na bawasan ng araw ang working days, from Mon-Sat to Mon-Fri, dahil na din sa pagbaba ng benta! Ganun pa man, base sa record ng companya, hindi naman ito nalulugi kundi bumaba lang yung Net Profit, in short profittable pa naman ito.
1. Legal po ba ito?
2. Dahil naging 5 days a week na ang work ng Office employees, binawasan din ng isang araw ang basic pay ng mga Monthly Paid employees, Managerial positions, etc.
Tama po ba ang ginawa ng management?
Kung may mali po sa proseso ano pong hakbang ang pwede naming gawin bilang empleyado?
Sana matulungan niyo po kami...Salamat po!