Date Hired: July 18, 2018
Position: Sales Manager
Hello! Ask lang ako ng help on what to do.
Just today, kinausap ako ng Operation Manager ko regarding sa evaluation sakin during my 1month stay, ok naman ang trabaho medyo mahirap nga lang pero willing ako to learn. Sa evaluation ko sinabi nya sa akin na very dissapointed daw siya sa result ng performance ko.
Nung nagstart kasi ako sa work ko saktong effectivity na ng resignation of our Marketing head director na supposed to be siya ang mag train at mag handle sakin.
kaya ang nag-handle sakin is yung kaparehas ko lang din ng position habang naghahanap pa ng kapalit nung marketing head namin. yung nag handle ng training sakin is mahigit 1 year sa company as a Sales Manager din. Yung taong yun is lagi akong ginagawan ng mali at binibigyan ng instructions na mali, hindi ko alam kong anong problema niya, pero pagdating sa sales magaling talaga siya kasi siya lang naman ang natirang Sales Manager kaya masyado siyang iniingatan ng company.
Sa kanya ko pinapa approve lahat, kong ano bang dapat gawin at dapat itanong, sa loob ng mahigit 2 weeks ko, I just found out na pinaplastik niya ako, kong anong kina positive ng mga sinasabi nya sakin for the result of my evaluation, ganun din ang kina pangit ng evaluation na pinasa niya sa management. That girl was doing something's fishy na parang ayaw niyang may lumamang sa knya kasi pag may tinatanong ako regarding sa work ayaw nya sagutin. she didn't even know how to train and evaluate employee kasi she has no experience at all with that. Ang pinagtataka ko lang bakit doon nagdepende c Operation Manager sa mga sinasabi niya about my performance.
Anyway, yun na nga. Kinausap ako ng Operation Manager namin at sinabing terminate na daw ako. Actually binigyan nya ko ng option, terminate nila ako or render ng resignation. Consider na 1 month and 8 days palang ako sa company under probationary period. pwede ba akong terminate or dapat ko bang sundin ang sinasabi nya na mag render ako ng resignation effectivity that day. Hindi ko muna ginawa at sinabi ko na babalik nalang ako para mapag isipan ko muna at ma absorb yung nangyari.
Ang tanong ko ano bang pwede kong gawin? kasi nagsabi siya sakin sa araw mismo ng cutt-off. makukuha ko ba ang sahod ko? may separation pay ba ko? tama ba na tanggalin ka after just 1 month evaluation? wala akong nilabag o nasabi na hindi maganda during my stay. ano bang dapat kong gawin?
Thank you po!