So ganito kasi yung scenario ko:
May pinasukan akong company last May. Before employment, sinabihan nila akong may bawas na limang araw sa sweldo ko kasi "company contribution" daw, pero makukuha naman daw pag umalis sa pamamagitan ng back pay. Then sige nagtatrabaho na ako. May dalawa akong boss kasi may share kasi yung isa kaya boss din yung turing namin, and, at the same time, project manager namin siya (I'm a developer btw). May presentation kami last July (I don't recall the day) kasama ang isa ko pang kasamahan at yung boss/pm namin. Then sa kalagitnaan ng presentation, pinapahiya niya kami, na bakit may ganito daw na error, na bakit hindi gumagana. Inexplain naman namin isa isa. Pero ako, that was the last resort para magfile ako ng resignation (Marami pa kaming reklamo sa kanya actually hindi lang yan). Nauna nang nagresign ang senior namin kasi hindi niya na kaya yung boss/pm namin. Pinauna ko lang siya then nagpasa ako last July 30. Nagemail ako sa isa ko pang boss regarding dun pero naka-cc yung HR and yung boss/pm tas nagrequest akong gusto ko siyang kausapin. Nagreply siya sa email ko and then pumayag siyang kausapin ko siya, pero sinasabi niya ring sana ireconsider ko yung resignation ko. Nashock daw siya kasi wala naman daw sinasabi yung boss/pm namin na masama tungkol sakin. Pero alam kong kakampihan niya yun kasi matagal na silang magkasama. Then kanina, nagkausap na kami, lahat pinaliwanag ko na sa kanya and regarding that incident where pinapahiya niya kami. Parang mas kinakampihan niya yung boss/pm namin (as stated above). Tapos sabi niya hindi niya tinatanggap ang resignation ko, kasi pwede daw mapagusapan yun ng boss/pm namin. Ang sa akin, ayoko na pong magwork dun kasi nga dahil sa insidenteng yun at marami pang iba.
Questions:
1. Allowed po ba yung "company contribution" na makukuha sa backpay?
2. Kapag po ba pinahiya ka ng boss mo or it's representatives, pasok po ba ito sa Article 285 B ng Labor Code?
3. Allowed po ba yung rejection of resignation?
4. Kung allowed po yung rejection of resignation, then gusto ko talagang umalis na, may right po ba ako? At anong article po yun?
5. Kapag po ba yung turnover ng commitments and clearance lumagpas ng 30 days (given na ginawa mo naman lahat within 30 days), is it still legal?
6. Kapag clear ka na sa company, ilang days po makukuha ang salary at hanggang kailan lang to pwedeng irelease ng company?
7. Pwede po bang 1 month salary yung ihold ng company?
8. Ano pong gagawin ko kapag ayaw ibigay ng company ang backpay ko?
Salamat sa mga sasagot. I will appreciate it.