Need some advice
Nagfile po ako ng leave (5 days) and asked our head or supervisor for her immediate approval, since my reason for the leave was important, maglalakad po ako ng document na kinakailangan ko at need ko po agad lumuwas ng province para ito ay maayos. During that time po, I am already resigned and rendering my remaining days at service. Unfortunately, hindi po pumayag ang aming supervisor at kinailangan ko parin po ipagpatuloy ang palakad ng document. She even asked me to finished first the research and development ( gagawa po ng product based on my knowledge) for her to present to the company ( mababa lang po ang posisyon na pinanghahawakan ko at It is no longer my job but to her, clearly out of my job description) before my leave pero di ko po yun nagawa kase kailangan ko na pong lumuwas. After po nun negative po balita ko from my colleagues since wala daw pong balita about sa leave ko, di ko na rin po agad na contact ang aming supervisor since I do not have a contact from her. I was discouraged na pumasok at naghintay ng "return to work" from the HR, pero wala po akong contact or email na nareceive galing sa kanila till natapos na yung araw na dapat last day ko na po.
Pumunta po ako ng HR at sinabi ko po yung nagyari. Nakausap ko pa po yung mismong admin ng hr. Binigyan po nya ako ng instruction na ang last day ko na lang po ay yung huli kong pasok. Nakapag clearance din po ako, nakita ko pa po yung supervisor namin pero walang kibo, nakapag exit interview, nagpoprocess na po. However nung bumalik po ako tagged daw po ako as awol ng supervisor ko. So need ko daw po kausapin sya para ma clear po yun sa system nila. Kinausap ko po supervisor ko, sabi nya okay daw po "dont worry" magsesend daw po sya ng email sa hr as per also asked by hr. So process po ulit. Pagbalik ko po ulit ng hr, sinasabi pa rin daw po ng supervisor namin na tagged daw po tlaga ako as awol, balik nanaman po sa simula, nagtanong nanaman po kung anong nangyari,explain po ulit ako. Nang binangit ko po yung,I was waiting for their return to work na message, ang sabi po saaking ng admin; ang dami daw po nilang empleyado para isaisahin pa nila kami nang makasend ng ganyang mensahe, nagassume lang daw po ako at dina ako nakatuloy pumasok para matapos yung natitirang araw. Ngayon po kailangan ko daw po maipasa yung leave ko na approved ng supervisor para maconsider nila. What if irefuse nanaman po ng supervisor na pirmahan? Ano na po ang dapat kong hakbang para makuha ko po COE ko. Sinabi rin po nila na pwede daw po nila akong bigyan pero declared as awol. In my part po, derogatory po yun and will affect my future job.
Pwede ko rin po ba silang habulin since yung Research and development po ay di ko naman po trabaho, nakapag labas din po ako ng product at the past na naaprove po nila, presented ng aming supervisor , di po ako, wala rin po akong natatanggap na incentive or credit man lang po galing sa company. Considered po as my intellectual property?
Really need help po and advice. Thank you po for your future response.