good day, I would like to seek for an advise re my work situation. I was one of the suspect sa nawawalang camera ng company naming, wala pa namang final decision ang HR and 3 kaming suspect. Yung assign sa pag investigate parang may personal grudge sa akin kasi twice nya na akong sinisigawan sa harap ng ibang mga staff - siya ay isa sa Auditor ng company and I am one of the supervisor in the warehouse. ang alam kong tasks nya is to do investigation for all the missing items pero pakialamero sya sa takbo ng warehouse. Now, parang sa investigation na ginagawa nya pinalalabas na nya na ako ang talagang suspect even if I already explained my side. nag present na ako ng defense ko sa HR and sinabi ko na rin na parang the investigation is not fair since if suspect pa lang ako wala dapat na lumabas na issue about it, supervisor ako and I am handling manpower na parang sinisira na nya ang pangalan ko sa work. sya at yung asst manager namin ay parang magkakampi and sila pa ang pinagmumulan ng kwento about me. just this week, biglang nagalit yung Auditor sa akin sa hindi ko alam na dahilan at nagsisisigaw na lang sya basta sa working area namin na lahat ay alam na ako ang sinisigawan.
Ang tanong ko lamang po:
1. may karapatan ba akong mag file ng complaint sa HR namin since suspect pa lang ako at wala pang decision about the missing camera?
2. may batas ba sa DOLE re sa pagkakalat ng balita na wala pa namang kasiguruhan?
3. pwede na bang I consider na verbal harassment ang ginawa nyang pagsigaw tungkol sa akin?
Pakiramdam ko kasi, since nagpunta na ako sa HR namin at naglahad ng alam kong depensa ko parang pinepersonal na nila ako. Marami na rin po ang nakakapuna ng pagtrato nung Auditor sa akin.
Ano po ba ang dapat kong gawin?