Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.
vhonrauldzedrick wrote:magandang umaga po, ako po si harold rabino, empleyado ng blumex express credit, inc. sa maynila. ako po ngayon ay on 30 days preventive suspension simula december 12, 2012 hanggang sa january 11, 2013, sa kadahilanang pinaghihinalaan sa isang pagnanakaw sa nasabing kumpanya. nguni't wala po talaga akong kinalalaman sa nasabing insidente. nabalitaan ko po na iteterminate daw po ako. ano po ang gagawin ko? paano po kung wala po sila ibedensiya? may karapatan po ba akong malaman ang mga grounds kung bakit ako iteterminate? maraming po akong nakita sa mga kapwa akong empleyado na gagawa sila ng paraan para mapaalis ang regular na empleyado tapos pagreresignin nila katumbas lamang ng kaunting halaga. alam ko wala akong kinalalaman sa naturang insidente. malinis po ang kunsensya ko. may magpapatunay din po na sa mga oras na nangyari ang insidente wala po ako sa lugar na yun kundi nasa bahay. kung sakali pong pinabalik ako sa trabaho maari po bang return to work order? paano po kung pagresignin ako o iterminate po ako? anong laban ang dapat kong gawin yung naayon po sa batas. 9 years na po akong regular na empleyado sa naturang kumpanya. ano po kay ang maaring dahilan kung bakit ako iteterminate? dapat ko po bang ipaglaban ang kaso sa DOLE kasi po wala po talaga akong kinalalaman sa nasabing insidenete. sana po matulungan nyo po ako.
Free Legal Advice Philippines » FREE LEGAL ADVICE » LABOR AND EMPLOYMENT » preventive suspension then termination
Similar topics
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum