I would like to seek legal advice in regards to my current situation. I was employed in a home based job for almost 4 years. Direct hire po sya and i was paid handsomely.Yung employer ko po is a businessman na nasa america. Wala po etong employment contract. After so many years, i have trusted him and he did trust me too. Kaso nagkaron po kami ng problema. April 2018, naghanap sya ng graphic designer specifically yung taong gusto nya is ying dating umalis na designer namin. Pinakontak nya sakin which i did. Nagusap sila, nag agree sila pareho about sa work in return l, my former employer will provide him a loan for him to get a computer. To make the long story short, yung loan na yun eh dinaan nya sa akin. Sa paypal ko pinadala ng employer ko para ako magbigay sa kanya. Ginawa ko naman po. Sa work namin bihira po may papel na pipirmahan. So wala pong papel na pinirmahan ung designer about sa loan na yun. I did what i was told at binigay ko po yung pera sa tao. After 2 weeks, di na po nagparamdam yung tao sa employer ko. In short, kinuha lang po ang pera nya. Now, ako ang dinidiin ng employer ko. Yung note sa paypal transaction said (under my paypal accoutn) : LOAN FOR RICHARD. now here is the problem. Di nya po pinasahuran yung ibang nagwowork sa kanya. Sinabi nya po sa mga tao na yung pera is nasa akin. Which is not true. Yung pera na napunta sa akin is yung pera ng designer na pi aloan nya at pinapaabot nya sa akin. He wants me to pay for it so everyone in our team will get paid. Wala po akong ibabayad dun. Ngayon po nagpopost sa fb ang mga tao nya kinokontak po isa isa mga friends ko sa facebook. They are literally harassing me and every friends i have on facebook. They are also posting my info on facebook. Nakakahiya po. Secondly, my former employer threatened me thay he will put me to jail because of thw money na pinaabot nya sa akin. I would like to ask po sana for your legal expertise.
1. Ano po gagawin ko about sa harassment na ginawa ng mga tao nya sa facebook? I really dont think na tama po yung pinagagagagawa ng mga tao nya. I cant blame them though gusto lang naman nila sumahod at mali info nabigay sa kanila. Pero ano po pwede ko ikaso sa kanila?
2. Sabi po ng employer ko idedemanda daw niya ako. Nasa u.s po sya possible po ba na abogado nya lang ang magfile ng case? Kinakatakot ko po is mayaman sya baka di ko po kayanin harapin sila sa korte kung payamanan at magaling na abugado pa.
3. Tinangalan po ako ng access sa communication tool namin pati emails. So wala po akong screenshots ng conversation namin or nila ng taong pinautang niya na para maclear na pi abigay nya lang sakin yun. Napagutosan lang po ako at ginawa ko yung inutos sa akin.
4. Paypal transaction lang po meron ako with a note na para sa taong pinapaloan nya yung pera na yun.
What should i do? Please help... Should i wait for them to file a casenor should i file a case first? Ano po ba pwede nila makakaso sa akin? Maraming salamat po.