good day attorney,
April 10, 2018 daw unang kinausap prend ko ng boss nya para sabihin na kasama sya sa redundancy, verbal notice, pero nagdaan na ang May 10 at June 10, 2 months na , wala pang formal letter of redundancy, his boss approached him at pinapaturn-over na lahat ng technical responsibilities nya like administrator password para sa servers at iba pang applications na magrerequired ng administrator password, lahat ng yun naiforward at naibigay na nya sa boss nya, pero until now wala pang formal notice, habang tumatagal, lalong nadadagdagan daw ang stress na inaabot ng prend ko, hindi nya alam kung hanggang kailan sya magstay sa ofc, kung malaman nya lang sana para makapag-apply na sya sa iba at makapagplano na ng ibang options, pero stressful ang ginagawa ng boss nya daw sa kanya, ano po ba ang pedeng gawin ng prend ko?
pede ba sya mag-inquire sa dole or sa national conciliation and mediation board?
sa nangyaring verbal notice, ayaw na rin magstay ng prend ko sa company nila kung sakaling hindi ituloy ang redundancy, tinanong nya daw ang boss nya kung hanggang kailan daw sya magstay sa ofc tungkol sa redundancy, pero nagsinungaling at tinatanggi na ng boss nya at sabi ng boss nya, wala daw syang sinasabing redundancy, ang sabi daw ng boss nya, nirereview ang performance ng prend ko, kaya lalong naguluhan ang prend ko, parang umiiwas ang boss nya naman ngayon sa issue ng redundancy.
pede bang bawiin ng boss nya at sabihin na hindi matutuloy ang redundancy? paano na lang yung stress na idinulot sa prend ko at sa mga drivers na officemate nya? pede bawiin ang verbal notice, kahit 6 na tao na ang sinabihan nya na kasama sa redundancy sila?
ano po ang mabuting nilang gawin? ayaw naman nila magresign dahil wala naman sila makukuha, pero stress na sila, walang definite na sagot ang boss nya kung kailan ibibigay ang formal notice.
thank u in advance daw po..