Mag inquire lang po ako at mag ask ng assistance regarding po sa employment status ko. Employed po ako for more than 7 years sa isang private landbased recruitment agency bilang Recruitment/Admin Officer. Ngayon pong January 2011 ininform po ako ng boss ko thru email na itransfer nila ang service ko sa isang company na pag mamay ari nya rin pero ito ay isang US base. Lumalabas po na itong nilipatan ko ay client rin lang ng company na dati kong pinapasukan pero US base nga lang. Ang sabi po ng may-ari at manager babayaran naman daw po ako ng severance pay pero pag nag close o maibenta na lang ang company na pinasukan ko. Since di nman daw po ako jobless saka na lang daw nila ako bayaran para sabay-sabay na lang daw kaming lahat na bayaran kung sakaling magsara o ibenta na lang ang dati kong pinapasukan. Di nman daw po tama kung bigyan nila ako ng special preference na bayaran ng length of service e pumapasok pa nman daw po ako sa opisina hanggang ngayon pero ang trabaho ko lang ay dun na sa isang company. Lhat ng benefits ibinibigay rin nila pati na ang mga government payments tulad ng SSS, BIR, Philhealth, Pag-Ibig ay idinadaan sa dati kong employer. Tama po ba to?
Ang pangalan ko po ay ginagamit rin nila sa dating kompanya na pinapasukan ko bilang, board member at signatory. Ano po ba ang dapat kong gawin? Kailangan po ba nilang bayaran muna nila ako ng separation pay? Nag demand na po ako sa kanila na bayaran pero ang sabi po nila saka na lang daw po pra sabay-sabay kaming bayaran kung sakaling magsara o maibenta na lang ang company. Nag compute na po sila ng severance pay ko at kinausap ako ng manager na di nila ako kayang bayaran ng buo at pakikiusapan daw nila ang may-ari na kung pwedeng installment ang pagbayad hanggang sa nung sumunod na pakikipag usap ko sa knila un na ang sinabi hindi ako pwedeng bayaran muna kasi nga po di nman daw ako jobless at prang trinansfer lang ako nila pero ung services ko sa dating pinapasukan hanggang nung January 2011 na lang at mula February onward dito na ako sa kabilang company.
Ano po ba ang dapat kung gawin? Tulungan nyo po sana ako at bigyan nyo po ako ng linaw kung maari ko itong idulog sa Department of Labor or NLRC.
Thank you very much po and looking forward to your immediate response.