Nagstart po siyang magleave ng March 14, 2017 until March 28, 2017. Given po na ang employee ay may PTO credits pa, maari po bang i-disapprove ng Immediate Superior ang filed PTO kahit po may naisubmit ang employee na supporting documents (Medical Certificate etc..) sa reason lamang na hinihintay pa ang confirmation galing sa company nurse?
Nakareceive din po ng Return To Work Order (RTWO) ang employee ng March 25, 2017. Dapat po bang mapadalhan ng Return To Work Order (RTWO) ang isang employee na nakaleave kahit na ito'y nagcall-in, nag advise at nagpasa ng documents?
March 29, 2017 bumalik ang employee para magresume sa trabaho na may fit to work pero ang sabi ng Immediate Superior niya ay wag muna pumasok at kausapin nalang muna ang HR.
Nag issue ang HR ang Due Process Form sa employee regarding sa kanyang absences upang maipaliwang ng employee ang kanyang mga leave at same day ay tinanggalan ng company access ang employee kahit Due Process Form pa lamang ang naissue dito.
At hindi daw makakatanggap ng sahod ngayong payout ang employee gawa ng 3 araw lamang ang nacredit na pinasok nito sa cut-off dahil dinisapprove ng Immediate Superior anng mga filed PTO at dahil hindi ipprocess ang payroll ng isang empleyado kapag less than 5 days ang ipinasok sa isang cut-off. Maari po ba nilang gawin ito?
Maaari po bang magreklamo ang employee sa DOLE tungkol sa mga pangyayaring ito? Ano po ang magandang gawin ng employee tungkol dito.
Salamat po.