Hello po have a nice day...
Hihingi po sana ako ng advice tungkol sa problema ko,.
Ofw po ako sa hk po naka base,2 ang anak ko isang lalaki at babae, 11yrs na po ako sa amo ko at ang uwi ko po ay every end lang ng contract.Ok nman po kami ng aking asawa dahil nga po alam nya na may project pa ako bukod sa napagtapos ko na ang panganay. Netong Feb. 2018 lang po nagtapat sa akin ang aking bunso Yong babae na ginawan sya ng kahayopan ng kanyang sariling ama, agad akong umuwi at sinamahan ko ang aking anak para mkapag file agad ng kaso Laban sa kanyang ama. Mabilis nman umusad ang kaso pero at the end nanaig pa din sa magkapatid ang damdamin bilang anak, sila nagdecide na hwag nalang ipakulong ang kanilang ama, at bilang kapalit hiniling ng anak ko na lumayo nlng ang kanilang ama sa amin at hwag na magpakita pa.
Ang problema ko ngayon Kong sakaling magfile ako ng annulment magagamit ko ba na ground Yong case Laban sa kanya? At isa pa may kamahalan din yata ang annulment para magbayad ako , Hindi ba pwd na magpermahan nlng kami na wala ng pakialamanan sa harap ng lawyer, at tungkol sa mga napundar halimbawa bahay, paano po yon?
Pls. po sana sa pamagitan netong pagshare ko ng problema ko sa inyo ay maliwanagan ako,.. Maraming salamat po.