Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Rights of Caretaker and Owner

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Rights of Caretaker and Owner Empty Rights of Caretaker and Owner Thu Dec 07, 2017 10:17 am

denal


Arresto Menor

Magandang araw po sa inyo! Sana po mabigyan nyo po ako ng advise regarding sa case ng father in law ko.

Yung father in law ko po ay caretaker ng lupa at gusto ko pong malaman kung ano po yung mga karapatan niya as caretaker.

Yung tatay ng father in law ko ang sinasabing original na may ari ng lupa bago paman ito naibenta noong 1970's. (yung lupa ay hindi po titled, tax declaration lang po ang meron)


Pagkatapos mabili ng buyer yung property, may agreement po yung tatay niya at ang buyer na yung tatay muna niya ang magbabantay at magaasikaso ng lupa habang hindi pa ito gagamitin ng buyer.

Since then, hindi na binalikan ng buyer or dinalaw man lang ang lupang nabili. Haggang namatay na ang tatay niya at yung father in law ko na ang naging caretaker.

Hindi kailangan man nakapagbayad ng buwis yung nakabili ng lupa, ang nagbabayad ng buwis para sa lupa ay yung father in law ko at yung tatay niya noong nabubuhay pa ito.

Hindi alam ng father in law ko kung ano ang address or contact number ng nakabili ng lupa, pangalan lang po ang alam niya. Kaya noong taong 2014, nagpagawa siya ng bahay sa isang parte ng lupang binabantayan nya kasi iniisip nya na baka hindi na ito babalikan pa ng buyer kasi nga for more than 30+ years hindi man ilang ito dinalaw o nag bayad ng tax sa municipyo.

Moving forward sa kasalukuyang taong 2017, meron nagpakilala na mga tao na kapatid daw po at ang isa naman ay son in law ng nakabili at gusto nilang paalisin ang father in law ko sa property na binabantayan nya.

Ang sabi ng father in law ko, aalis lang siya at i su-surrender lang nya ang property sa taong nakabili ng property. (Buhay pa po yung nakabili hanggang ngayon at may mga surviving heirs)

Questions po:

1.) Anong documents po ang dapat nilang ipakita para masabi na sila ang inatasan ng original buyer na paalisin ang caretaker?

2.) Pwedi po bang basta basta nalang nila papaalisin ang father in law ko sa property?

3.) May right po ba na humingi ng compensation ang father in law ko sa pagbabantay ng property for more than 30 years?

4.) Ano po ba ang mga karapatan ng father in law bilang isang caretaker?


Thank you po in advance! God Bless!






2Rights of Caretaker and Owner Empty Re: Rights of Caretaker and Owner Thu Dec 07, 2017 12:12 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

1. title under their name
2. yes kung sila ang legal na nagmamay ari ng lupa.
3. hindi ba sya binibigyan ng sweldo sa pagbabantay ng lupa? if no, then he should request compensation for the improvements he has made to the property pero dun sa nagsabi sa kanya na alagaan ang ari arian.
4. IMHO, ang karapatan nya ay bilang isang empleyado lang. but I could be wrong.

3Rights of Caretaker and Owner Empty Re: Rights of Caretaker and Owner Thu Dec 07, 2017 5:13 pm

denal


Arresto Menor

Thank you po sa reply nyo sir.

Hindi po siya sinasahuran ng buyer, pero napakinabangan niya ang lupa sa pagtatanim ng mais at tobacco dati.

Doon din niya po kinukuha sa kinikita ng pananim ang pambayad niya ng buwis para sa lupa.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum