Need po ng advice regarding this matter, ganito po yun scenario. Ang Mother-in-law ko po at ang naging ka live in partner
nyang lalaki ay nakatira bilang caretakers ng isang vacant lot dito sa lugar namin simula pa noong year 2000. Dalawa lang po sila nanirahan sa bahay na walang kasama na kahit na sino sa anak ng side ng lalaki or sa side ng babae. Ang anak ng lalaki ay may sariling puwesto sa tabi lang ng bahay nila.Namatay ang ka live in ng byenan ko last year at sya na lang ang natira sa bahay. Sinamahan tumira ng bayaw ko ang aking byenan pero sila ay pinapalayas ng dating asawa at ng mga anak nito na galing probinsya sa kanilang tinitirahan dahil bahay daw ito ng lalaki at hindi ng byenan ko. Ayon sa aking byenan, ang bahay na naitayo na gawa sa hollow blocks ay galing sa pera na mula sa SSS pension nya. Umabot sa barangay ang reklamo nila na paalisin ang aking byenan ngunit hindi naman nila sinipot ang mga hearing kaya parang wala nangyari sa kaso.
Ako po, ang asawa ko at anak ang kasamang nakatira ng byenan ko sa bahay nya ngayon. Tinanong ko sa byenan ko kung nasaan ang may ari ng lupa at ang sabi nya ay nasa Canada na daw at isa ng bilyonaryo kaya wala nang pakialam sa lupa at wala na rin kontak sa kanya. Almost 6 months na kami nakatira dito at unti unti ko na pina rerenovate ang loob ng bahay ngunit dumating galing probinsya ang panganay na anak at ang asawa ng namatay naka live-in na lalaki ng byenan ko at pinapaalis na naman ang byenan ko at kami ng pamilya ko dahil sila daw ang mas may karapatan tumira dahil di naman daw kasal ang byenan ko sa Tatay nila. Ang bill ng tubig ay nakapanglan pa rin sa tatay nila at ang iba naman bill tulad ng cable ay nakapangalan sa akin. Di po kami pumayag umalis dahil may tirahan naman sila sa tabi namin at alam namin na wala sa kanila ang napatira sa bahay na ito kahit nabubuhay pa ang tatay nila kaya alam ko na di namin sila naargabyado nang lumipat kami dito. Balak lang namin umalis kung sasabihin ng totoong may ari ng lupa or iuutos ng gobyerno.
May karapatan po ba sila sa bahay na tinitirahan namin kahit patay na yun naging care taker na tatay nila?
Ano po inyong masasabi sa ganitong sitwasyon?
Thanks and more power