Magandang araw po.
Pasensya na po may kahabaan ang sulat ko. Magtatanong lang po ako kung ano po ang magandang gawin para sa anak ko dahil nakipaghiwalay na ung manugang kong babae sa anak ko dahil lagi lang po sila nagaaway at hindi talaga po magkasundo kahit nsa abroad na ung anak ko grabe pa din awayin at murahin kapag tumatawag sa kanya kumbaga po e ina-under nya. Kasal po sila at may isa po sila naging anak babae 3 years old pa lang at hindi pa napasok na nsa puder nung ina ngayon. Ito pong babae na nasa pinas e walang trabaho pero 25 years old lang po at pedeng pede po na makapagtrabaho. Ngayon po itong babae e nagdedemand ng 20 thousand na sustento kada buwan sa anak ko at sinabihan pa po yung anak ko na wag na wag daw papalya sa pagpapadala kung ayaw daw po na magkagulo pati daw po kme e guguluhin tapos tinakot pa po ang anak ko na kayang kaya daw niya na pauwiin dto sa pinas ang anak ko para di na makapagabroad. Sinabihan pa din po ung anak ko na huwag na huwag na daw po magpapakita sa knilang mag-ina.
Eto po mga katanungan sana namin na gusto namin malinawan:
1. Ano po bang magandang gawin para po sa kasunduan ng sustento ng bata? Sa barangay po ba dapat magharap at magpirmahan o dapat po sa abogado ng PAO o piskal? Nagpplano po sana na magpa-annul ang anak ko e kaya lang may kalakihan po ang bayad. kaya kung pwede po sana na magkaron na lang ng kasunduan sa sustento at custody nung bata na ipapanotaryo na lang para legal. Posible po kaya yung ganun?
2. Ayon po sa batas, paano po ba malalaman ung tamang sustento sa bata? Kasi napakalaki naman po ng 20 thousand nahinihingi nung babae para sa 3 years old na bata. Kahit sya buhay na sa luho kapag gnun pinadala ng anak ko. Nakadepende po ba sa kita ng ama ung sustento o depende lang sa pangangailangan ng bata? Saka di ba po ay dapat dlwa silang magtataguyod pra sa anak nila at di dapat solohin ng tatay ung lahat ng gastos ng bata kahit pa wala pang trabaho ngayon yung babae pero dahil bata pa naman sya e may kakayahan pa sya magtrabaho pra sa bata.
3. Pwede po ba mahiram ng ama ung bata kapag nagbakasyon dito sa pilipinas? Tutal ngayon po e nsa ina naman yung bata at hindi naman nakakasama ng ama. Kung di po ba pumayag yung ina na ipahiram o ipakausap man lang ung bata pwede po ba namin sya ireklamo o kasuhan?
4. At Isa pa po sa sinasabi nung babae e kayang kaya nya daw po na pauwiin ang anak ko dito sa pinas pra di na sya mkapagabroad, posible po bang mangyari un kung regular naman po pagpapadala ng sustento at di naman po nagloloko ang anak ko sa abroad?
Maraming salamat po. Naway matulungan niyo po kami na maliwanagan po sa mga dapat po namin gawing legal sa problema na ito.