I have a child which is going to 5 years old this July 2017. ipinanganak po sya na may cleft palate, di na kame nagulat kasi nung 5months palang na ultrasound nya nakita na yun, inalagaan ko ang mommy nya nung buntis palang hanggang paglabas ako lahat gumastos, after 1 1/2 months palang yung baby umalis mommy nya, magwowork daw sa caloocan, nasa cavite kase kame so pinayagan ko naman, then nalaman ko nalang na may kinakasama na pala sya, binalikan pala nya yung bf nya dati, then kame na ng mama ko nag alaga sa bata, hindi nagpapadala mommy nya khit pang gatas at diaper bihira kamustahin ang bata kame ng mama ko naghirap kasi maselan ang pagdede nya need dropper, minsan lang nadalaw mommy nya isang araw lang minsan lang sa loob ng 3 months, hanggang sa ooperahan na si baby ko para maayos yung labas na cleft nya sa bibig, dumalaw lang mommy nya hindi nag stay, kame pa rin ng mama ko nag alaga sa bata, then after 1 year ooperahan ulit ang baby ko sa lalamunan naman, dumalaw lang din mommy nya hindi nag stay, then dumating yung time na need i checkup si baby sa PGH, medyo malayo sa cavite, kame lang din ng mama ko nag pabalik balik, di manlang pumunta ang mommy nya, then every birthday naghahanda talaga ko, ang mommy nya di nagbibigay, kame na din nagpa aral ng mama ko, sa daycare sa baby ko, di manlang sya nadalaw ng mommny nya, nag graduation sya hindi manlang pumunta mommy nya, then this year 2017 after ng graduation bigla pumunta mommy nya, natural madali na alagaan, wala na hirap, di na mahirap pakainin, di na iyakin di na pasaway kasi malaki na mag 5 years old na eh, pumunta bigla mommy nya hihiramin daw, ayaw pa nga sumama nung una ng baby ko pero pinilit ko nalang para di sayang punta ng mommy nya, sabi ko sa kanya 1 month lang ibalik mo na ha, then nakauwi na sila sa caloocan, lagi ko kinakamusta baby ko, minsan hindi ako nirreplayan ng mommy nya, then this day tinext ko sabi ko enrollment na ng baby ko next week ibalik na nya si baby ko, ang reply nya "pwede ba dito ko nalang i enroll" then sabi ko bakit wala naman tayo usapan ng ganyan, then sinabihan ko na sua kung kelan madali na alagaan bata tskaa kayo ganyan bakit dati hindi kayo nag alaga, tinakot na ko na kung ano ano daw sinasabe ko baka daw di na nya lalo ibalik ang bata.
Gusto ko lang malaman if ever na ilalaban ko ba ang custody ng anak ko, pwede kaya na mabalik sakin anak ko? ano magiging bawal gawin ng mother nya if ever ako manalo? thanks po
EDIT:
Kumuha ako ng indigency letter before sa DSWD kasi need ng foundation para sa operation, nakalagay dun abandoned ng mother ang anak ko.
Last edited by kuyamoto on Wed May 10, 2017 5:10 pm; edited 1 time in total