[b]Ako po ay napag utusan lang ng aking GF, upang kumunsulta kung ano ang puwede niyang gawin upang makuha ang Custody ng kanyang anak. Hindi po sila kasal, at nagsama sila ng 10years, nag ka anak ng isang babae, sa ngayon bale tatlong taon nasilang hiwalay dahil di na makatiis ang GF ko sa pang mamaltrato ng lalaki. halos araw araw eh nag aaway sila kahit na maliit lang ang dahilan, itoy laging nauuwi sa pang bugbug sa kanya. ang Bata po eh 12 years old na at maka tatay, Ayaw sumama sa kanya, minsan tuloy eh naiisip niya na bini brainwash ito ng ama. wala silang pina kasunduan ano mang bagay tungkol sa Bata, simula ng siya humiwalay sa lalaki eh patuloy na sinusuportahan niya ang anak niya, lalo na sa Financial binibigay niya ang lahat ng panganga-ilangan ng kanyang anak. pero minsan mukhang nasasaktan ang EGO ng lalaki eh napupunta parin ito sa pag- aaway, sa harap pa ng Bata. Kaya gusto niyang makuha ang Custody. Ang apelidong dala ng Bata ay sa kanya, pero naka lagay sa birth certificate ang pangalan ng Tatay. Ano po bang dapat niyang gawin, meroon po ba siyang chance na mapasakanya ang custody ng anak niya?
Ngayon palang po na papasalamat na ako ng marami..