Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

PLEASE HELP.. Seeking for legal advice: Fighting for custody

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

Sweetkylie


Arresto Menor

Good day to all readers and legal advisers,

I would like to seek justice, to fight for my rights and custody for my son.
Iniwan ko po ang anak ko sa tatay nya 13 years ago at ngayon gusto ko na po kunin.

Ganito po ang nangyari. Pasensya na po at may kahabaan pero minabuti ko na pong ikwento lahat mula sa simula.
I got pregnant at a very young age. I gave birth to my first born at the age of 16 and had my second on the next year. Mentally, physically and verbally abused po ako ng tatay ng anak ko.

Nagsimula po ang lahat nung nagkasundo kaming magtanan.
We both agreed to tell my mom na buntis ako at para wala na silang magawa sa desisyon namin.
Tumira kami sa bayan malayo sa family namin pareho. Si mama ko po ang nagsupport sa amin sa mga pangagailangan namin sa pang araw araw at tinulongan syang makapasok sa isang Grocery Store malapit sa amin.
Nung may trabaho na po sya nagbabago na po ang ugali nya. Isang araw nagdisisyon syang umuwi. Sabi ay babalik agad.
Ngnit makalipas ang araw na napagkasunduan namin ay di sya bumalik kaya pumunta ako sa bahay nila. Nung araw din yun pinatuloy kami ng family nya pagdating sa loob saka po nagwala ang nanay nya. Tinapunan nya kami nagkutsilyo at nagsisigaw na puta ako. Sinira ko raw ang buhay ng anak nya.
Nung nalaman po ng mama ko ang nangyari magpablotter at nagreklamo po sya sa baranggay. Pinagharap kami at sinabihan ako ng mga taga Dswd na pwede pa nga raw masampahan ng kaso ang tatay ng anak ko. Dahil 19 sya at 15 palang po ako nung time na yun. At dahil nalaman namin na buntis talaga ako napagkasunduan namin na uuwi sya sa amin para panagutan ako at iuurong namin ang reklamo laban sa kanila.
Nagtrabaho kami bilang on call waiter at waitress sa isang convention hall.
Nung nanganak na po ako after 1 month nagdesisyon sya na umuwi sa kanila. Pinayagan namin at wala sa pamilya ko ang nagreklamo. Ang usapan ay kami na lamang ang dadalaw sa kanya dun dahil di sya palagay sa bahay namin. Nahihiya siguro sa 3 kong kapatid na lalaki. Nagiisang anak po ako na babae at bunso kaya hindi na lamang umiimik ang aking mga kapatid. Nagaral po ako ulit para tapusin ang High school through Sunday Classes. Minsan after school dumiritso po ako sa pinapasukan nyang bar bilang waiter. Naabutan ko po silang nagkakandungan nung gf nya sa trabaho. Binalewala ko lang po at inisip ko nalang na nagkamali ako.
Isang gabi na sa amin sya natulog may tumawag sa kanya at dahil tulog na tulog na po sya ako po ang sumagot. Nung nagpakilala ako ang sabi ang sarap daw ng asawa ko. Still wala po akong ginawa kundi sarilinin nalang ang problema ko. Pero kinalaunan di na po sya nagbibigay ng pambiling gatas at di na nadalaw sa bahay ni piso ay di rin nagbibigay ng pangkain namin simula pa nuon. Nung napansin kong di ako dinantnan nagpasya ako na sa kanila na tumira dahil nahihiya ako na mga kapatid ko ang bumibili ng gatas ng anak ko at may dadagdag na naman.
Nung nasa kanila na kami lagi na kaming nagtatalo dahil lagi na minsan isang araw di nauwi or dalawang araw. Sabi nagstraight duty daw. Isang umaga may kainuman ang nanay nya at nung malasing ay ako ang pinagbuntungan ng inis. Sinabihan ako ng puta at ako daw ang sumira ng buhay ng anak nya. Ang daming tao na nakiusyuso at sa harap nilang lahat sinigawan ako at pinagduduro ng nanay nya.. Inabot ng halos isang oras saka sya pinayuhan ng mga kapitbahay na ilayo muna ako dahil wala akong tigil sa kakaiyak. Di pa nila alam nuon na buntis ako sa pangalawa. Hindi nagbibigay ang lalaki sa nanay nya ng pambiling bigas at pambiling ulam kaya lagi ako nakakarinig ng mga salita sa nanay nya kesyo palamunin na dumagdag pa ako. Kaya minsan kinuha ko ang pera sa pinaglalagyan niya dahil may 1500 sya dun bumilo ako ng limang kilong bigas at ulam. Tapos bumili ng sampalok at tinapay. Pagkauwi nya nung nalaman nya galit na galit sya at nasuntok ako sa likod dahil nagtatalo kami. At nagdisisyon ko pumunta sa tatay ko na kahit 16 years na silng hiwalay ng mama ko at halos 9 years kong di nakita lumapit ako at dun pansamantalng nakitira. Sumunod sila dun makalipas ang ilang araw kunwari ay dumalaw. Nung nagdisisyon na akong umuwi sa kanila dahil malapit na akong manganak bago ako umalis humingi ako ng pera sa tatay ko sabi ko kahit 500 lang. Di umabot ng 500 ang binigay sa akin pero laking tuwa ko na dahil kahit papano may pambili ako ng gusto ko. Nung nasa kanila na ako nawalan ng pera ang kapatid nya at dahil may nakakita raw sa akin na kumain sa karenderya gawa ng laging 10am or tanghali na sila nakain maaga pay gutom na ako kaya minsan sa labs ako kumain. Ako ang pinagbintangan at dahil sinumbatan ko na sya nung nagtatalo kami sa kwarto ay kung ano ano pinagsasabi nya kesyo nanglalalaki ako at kesyo di nya anak ang anak ko at kung ano ano pa, sa inis koy nasapak ko sya dahil sabi pati kapatid ko ay kalaguyo ko pa, sinuntok nya ako at tinadyakan 7 na nuon ang akin tyan.
Nagkaayos pa rin kami at tanging malalapit ko lang na kaibigan ang may alam sa mga ginagwa nya sa akin. Kahit kapitbahay na kakilala ng mga kapatid ko ay pinakiusapan ko na wag ng ipagsabi sa pamilya ko ang naririnig nila na tsismis o nakita na ginawa sa akin. Naghanap po ako ng paraan para kahit papano ay makapagbigay ako sa mama ko at makabili ng gusto ko kaya pati last two o pagpapataya ng numero. Minsan ay walang nananalo kaya yung pera na nalikom ay naipambibili ko ng bigas sa kanila, at binibigay ko sa mama ko pambiling bigas din sa bahay. Nagkaayos din kami ng nanay ko dahil simula ng umalis ako ay di ko sya kinausap maging nung time na namdun ako kay papa pinakiusapan ako ng kapatid ko na umuwi nalang sa bahay namin maging ang mama ko ay pumunta na rin sa bahay ni papa para lang pauwiin ako at sabihan na di naman sila galit sa akin.
Pero dahil nahihiya pa din ako minabuti kong magtiis muna sa kanila.
Makalipas ang ilang araw mula nung binigbog nya ako, naisipan kong magpataya sa mga malapit kong kaibigan. Nung may nanalo sabi ko ihahatid ko lang ang pera tapos ay nagpunta ako sa bahay ng best friend ko di naman gaanong kalayuan mula sa kanila. Sinabay nya ako papunta sa bahay ng boyfriend nya na best friend din ng ex boyfriend ko. Dun sila sa may baybayin nagusap. Ang sabi ko ay sa labas sa may kalsada na lamang at baka biglang maisipan na sunduin ako ng tatay ng anak ko at makita kami na ganoong naguusap. Sabi ay sandali lang kaya hinayaan ko. Lumapit sa akin ang ex ko at tinatong kung totoong binubogbog ako, pilit ko pong sinasabi na hindi at lumayo at baka dumating. Lumapit sya sa akin at nagsabi na pwede naman daw nila ako tulungan. Pwede naman daw nila bugbugin sabi ko ay wag na gawa ng ama sya ng anak ko at dahil nga mahal ko. Biglang dumating at kinaladkad ako. Nakipag agawan sa akin ang kaibigan ko at pilit kong hinarang ang mga lalaki para wag syang saktan
Napaluhod po ako at pinagsasampal nya sa harap nila pero sinisigaw ko pa rin na wag sila makialam. Wala po silang magawa kundi manood habang konakaladkad ako palabas sa harap ng maraming tao na nakiusyuso at naririnig ko nalang na sinisigaw nilang ang tanga ko..
Nagdisisyon po akong umuwi sa bahay namin. Dahil kung ano ano na po ang naririnig ko sa nanay nya at sa mga kapitbahay.
Nung araw po na manganganak ako, nagpunta ako sa kanila para magpasama sa kanya ngunit lasing na lasing kaya pinunasan ko pa at hinintay n humupa ng tama ng alcohol sa kanya para masamahan ako sa hospital. Nung matapos akong ics at nasa ward na kami nagpaalam sya naaalis at kukuha ng pera. Nataon na nilagnat ako ng 40 degrees at wala pa akong kain maggagabi palang nung umalis sya.. Buti na lamang ay dun nakadistino ang pinsan ko bilang student nurse. Hinanap ako at ng makilala ay pinakain, ibinili ng gamot at yelo para punasan. Dumating ang lalaki kinabukasan ng madaling araw at lasing na lasing pa.
Nung nakauwi na ay sa bahay namin ako dumiritso. Dun din sya at matapos ang isang bwan umuwi din. At mayroon pala syang syota kaya pala umuwi na naman sa kanila.
Minsay birthday ng lola nya pumunta kami sa bahay nila kasama ko ang dalwang bata. Nalaman ko na darating ang babae sinabi nya na may ibibigay lang daw na sahod mya or loan yata. Sabi ko wag na po dalhin sa malapit or sa bahay mismo nila dun nalang sa trabaho magkita or sa ibang lugar. Pero pinapunta pa rin nya at pinapasok pa sa bahay nila. Halos magkandungan na sila samantalang kami ay nasa kwarto sa taas at nakatanaw lang ako. Umiiyak habang dinuduyan ang bunso ko at tulog na ang panganay. Inakyat ako ng ate nya at sinabihan na paalisin ang babae dahil daw nahihiya ma sila at lasing pa ang mama nila baka magwala na naman. Sabi ko ay hindi ko kaya. Bumaba ako at Pinainom ako ng redhorse ng ate nya para magkalakas ng loob. At dahil di naman ako sanay uminom ay nalasing ako at kinuha ko ang mic para kumanta bago ako kumanta ay sinabi ko muna na baka pwede dun sila sa malayo wag dito sa teritoryo ko.
Habang nakatalikod sa kanila at kumakanta kinakalabit ako ng ate nya para sabihan na umalis na sila palabas. Sinabihan ako na sundan ko at wag hahayaan na sumama ang tatay ng anak ko sa babae. Dahil lasing nakalutang ang paa kong naglalakad at naabutan sila sa kalsada at ang babae nakasakay na sa motor at sasakay na rin sana ang tatay ng anak ko ng hilahin ko at sinabihan na mamili ka kami ng anak mo o ang babae mo.. Kailanman di mo na kami makikita kung sasama ka sa kanya. Sinabihan ng babae ang driver na umalis na sabi na pinahiya ko lang sya sana di nalang daw namin sya pinapunta. Sinabihan ko rin na di naman ako ang nagpapunta sa kanya at alam nyang nandun ako sana di nalang sya pumunta. Nung nakalayo na ang babae dali dali akong naglakad pabalik ng bahay nila at naabutan nya ako sa may pintuan. Hinila nya ang kamay ko Nung napansin kong susuntukin nya ako yumoko ako agad. Nasuntok nya ang ulo ko at sa lakas ng suntok nya halos himatayin ako pagkapasok ko sa loob sinampal ko ang baso sa mukha nya at Nagkagulo sila dahil sinuntok sya ng papa nya. Sinisi ako ng nanay nya kaya lumabas ako at nagpunta sa baybayin. Sinundo nya ako at humingi ng tawad. Nung tulog na kami panay ang text ng mama ko na iuwi ko ang mga bata o kahit ang panganay dahil di sya makatulog sa pagaalala sa amin. Kahit anong sabi kong bukas na panay text na magsasama sya ng tanod kung di ko iuuwi ang bata. Sa takot ko na malaman ng mama ko na sinuntok nya ako, nagpaalam ako sa kanya na dahil tulog na ang bunso baka pwedeng ihatid ko muna sa bahay namin ang panganay at babalik agad. Nung nasa labas na kami di ko namalayan na sumunod sya habang nagaantay kami ng masasakyan dahil medyo may kalayuan ang bahay namin mula sa kanila napansin kong papalapit sya karga ang bata at nilapag sa mesa na may tubig. Sa inis ko at sa galit umiiyak ako habang nauna syang naglalakad pabalik sa bahay nila pinulot ko ang bata at bumalik kami sa kanila dahil nasa loob ang gamit ng mga bata. Hinabol kami ng mga aso at pinagtatahol hanggang nakarati g sa bahay nila. Pamay nag katok ko at tawag sa pangalan nya para pagbuksan kami pero di pa din. Nagsabi po ako na kubg di nya bubuksan iiwanan ko sa labas ang anak naming bunso sa mesa. Wala pa ring nagbukas ng pinto kaya nilapag ko ang anak ko at dadahan dahan lumayo. Panay ang iyak ko na di ko na namalayan nasa jeep na kami ng anak kong panganay at di ko na alam kong nasan na kami. Maraming tao sa jeep kaya di na napansin ng driver na wala kaming pinambayad. Nung makita ko na malapit na pala kami sa lugar papunta sa bahay ng lola ko. Pumara kami at bumaba. Sumakay ulit ng jeep papunta sa bahay ng lola ko. Alas 2 na dumating kami. Panay pa rin ang iyak ko dahil natatakot ako baka nahulog ang anak ko. Pinagdarasal ko na lang na naawa sya o di kaya ang mga magulang nya at nakuha o nakita ang bata. Ngunit tama ang hinala ko nahulog at nagkagalos sa noo ang bata. Pumunta sa bahay namin ang mga magulang nya para ipaalam sa pamilya ko ang ginawa ko. Pero wala silang nabanggit sa ginawa nila o nangyari. Ilang bwan ako nanatili sa lola ko. At nung nagkapart time job na ako ay naisipan kong umuwi sa amin. Pinakiusapan ko sila na hihiramin ko saglit ang bata. Ang tatay ang hiniraman ko. Pagdating sa bahay napansin kong tulog lang ng tulog ang bata. Matamlay. At nung dumating si mama tiningnan, nagtatae pala at nagdehydrate na. Wala syang nabanggit sa amin na nagtatae nag bata. Kaya agad bumili mama ng gamot. Pinainom ng tubig ang bata. Halos lupaypay na. Wala kaming kamalay malay na nagtatae pala. At ilang araw na palang nagtatae. Halos madurog ang puso ko dahil maya maya anjan na ang kapatid at pinapasundo raw ng nanay nila ang bata sabi ko ay bukas na gawa ng may sakit. Ayaw pumayag at dahil ayaw ng gulo ng mga kapatid ko pinakiusapan nila ako na isuli na. Wala akong magawa dahil kahit pilitin ko wala akong maayos na trabaho gawa ng 17 lang ako at walang tatanggap sa akin na maayos na kompanya dahil underage pa. Iyak nalang ako ng iyak dahil di ko rin masabi sa pamilya ko ang ginawa nila sa kadahilanan na baka makapatay ang mga kuya ko o makulong sila. Takot naman ako na ipakulong sila ng nanay ko dahil kahit papano tatay sya ng mga bata at lola ng mga anak ko ang mama nya. Kaya minabuti kong itago ang mga nangyari. Lumipas ang maraming taon papunta punta nalang kami sa kanila pero bihira lang dahil nung minsan na makikipagbalikan na sana ako ay inaway ako ng husto ng panibagong girl friend nya at sinabihan ng nanay nya iniwan na naman siguro ako ng lalaki kaya ako nanggugulo sa kanila. Kahit nasa malayo ako at nagluluto narinig kong sinabi yun ng nanay nya. Minsan nanghingi kami ng 500 pandagdag sa pang boy scout camping ng bata sabi wala syang pera at narinig ko sa kabilang linya sabi ng nanay nya iniwan na naman ako ng lalaki kaya nanghihingi sa kanila. Minsan nagkasakit ang anak ko na nasa kanila, pinakiusapan ako ng nanay nya na kunin na ang bata dahil napapabayaan na, inaabot na ng 12 ng gabi sa labas at si na nila mapagsabihan dahil di na nakikinig sa kanila, di rin nila maasikaso ang pagkaij nya at pagaaral dahil busy sila. At dahil nag rent na ako nun kinuha ko ang bata at sa akin na umuuwi pero isang araw nagpaalam na umuwi sa kanila at nung kunin ko na ay ayaw ng tatay wag ko daw muna pilitin ang bata. Hinayaan ko pero sinabihan ko sya na pag may nangyari sa bata talagang pipilitin ko ng kunin. Sabi hayaan ko raw muna syang gampanan ang reaponsibilidad nya kahit alam ko na di naman nya ginagawa at iniiwan nya lang sa mama nya ang bata minsanan lang sya nauwi at nadalaw sa kanila at lahat ng pangangailangan ng bata mama nya halos ang gumagastos. Pasko nun at malapit na sya ikasal sa gf nya. Nagpunta ako para ihatid ang panganay ko para makasama nila, lasing sya at sa harap ng mga anak ko nakiusap sya na makipagbalikan sa akin para sa mga bata. Sabi ko may asawa na ako at ikakasal na sya. Kahit pa hiwalay pa matagal na akong hiwalay sa asawa ko di ko masabi sa harap ng mga bata na ayoko na bumalik sa kanya kahit kailan dahil sa mga ginawa nya sa akin nuon na pinilit kong ilihim sa mga bata. Humingi pa sya ng isang halik pero di ako pumayag at nagalit ang mga anak ko sa akin dahil sinabi nya sa harap nila na kita nyo naman mga anak, di ako ang may gusto na magkaganito tayo kundi ang nanay nyo ayaw nay na mabuo tayo kahit anong pilit ko. Nakakuyom ang kamay ko sa inis dahil gusto ko syang suntukin at sampalin perp nahihiya ako dahila ayoko mgskandalo sa harap ng maraming tao lalo na sa harap ng mga anak ki. Nung nasa manila kami nagtext sa kanya ang panganay kong anak na di ko alam. Nanghingi pala ng pera pandagdag sa pambili ng soccer shoes niya. Ngtext sya sa bata ng di kita obligasyon dahil nanjan ka sa nana y mobkung nandito ka di sana naibigay ko sayo ang mga gusto mo. Iyak ng iyak ang anak nya, sa inis ko dahil galing akong trabaho tinanong ko kung bakit naiyak yun pala ay ganun ang sinabi sa kanya. Ang mama ko na ang nagkwento na nagtext pala sya kaya nareplyan ng ganun. Sa inis ko kinausap ko at pinagsabihan na ilang beses lang naman lumapit ang bata sa kanya. Maano ba na sabihan ng maayos na wala syang pera sa susunod nalang kahit paasahin nya nalang ang bata wag lang masaktan ng ganun. Sabi ay naiinis daw sya gwa ng alam nyang di raw nag anak ko ang nanghingi at alam nyang gagastusin ko lamg sa anak ko sa ibang lalaki. That time may asawa na ako at dalawang anak ngunit divorced na rin pero nagbibigay ang tatay na kahit minsan ay nabibilhan pa ang anak kong pnganay at nabibigyan nung asawa ko kaysa sa kanya na ama. 2 beses nya lang nabigyan ang ank namin. Una ay 10 piso at 100. After how many years yun lang. NAgrebelde po anak ko. Ang dating laging honor student at active sa school sports and extra curricular event sa school ay di na pumapasok, nagkakargador pa kung minsan para daw makatulobg sa amin at si na kailanman amnghihingi sa papa niya. Panay ang pangaral ko ngunit di nakikinig at minsan napunta pa sa msamang barkada. Nung minsay tanungin ko kung bakit nya ginagawa yun dahil daw wala syang papa at di sya mahal ng papa niya. Masakit para sa akin bilang ina pero pinapaintindi ko pa rins a anak ko na gawin ang lahat para ipakita sa kanila na kaya nya kahit wala syang papa.
Bago po ako umalis papunta dito sa Dubai ay nalaman ko po na huminto ang anak ko sa pagaaral, naenvolve sa riot at ang mga kabarkada nito ay nangnanakaw eaw sa isang subdivision. Pilit kong kinaibigan ang papa nila para mapagusapan namin ang mabuting gawin para sa mga bata. Ang gusto ko lang naman ay mapalayo ang mga bata sa barkada nila. Nasabi ko sa kanya na panahon na para magpaka ama sya sa mga bata dahil nasa crucial stage na po sila. 14 na ang panganay at 13 ang bunso. Pinakiusapan ko sya na baka pwede ay subaybayan ang mgabata at iparamdam sa kanila ang pagmamahal at pagmamalasakit nya sa mga bata kahit pa may anak na sya at manganganak sa pangalawa nilang anak ang asawa niya. Nagkasundo kami na sa private pagaaralin ang mga bata at tutulongan nya ako na imonitor sila. Sabi ko ako na ang sasagot sa tuition pero sya na sa uniform. Nung papalapit na ang pasukan nakiusap ang anak ko na ayaw nya sa privatem payag sya sa amin tumira pero di sa privatem sabi ko sige sa public pero sa bahay sya titira payag naman. Maayos nan ang usapan namin ng tatay na ihahatid nya ang bata. Ngayon nag enrollment na wla pa rin hnggang sa kinompronta ko na at sinabihan ko sa fb na kung di nya ihahatid ay magrereklamo na kami sa baranggay. Sabi ko total nagoffer ang kaptid ko na pulis na doon nalang sa kanya ang bata para maguide nya dahil maliit na isla lang ang nasasakuoan niya at wala gaanong binatilyo doon. Matrained pa niya ang bata. Nagreply ang anak ko na bakit ko raw sya ngayon lang naisipan kunin eh nung maliit nga daw sya hinyaan ko na mahulog sya sa mesa. Tinanong ko sya sino nagsabi sa kanya sabi ang lola nya raw. Kaya nagreply ako at sinabi ko kubg bakit ngunit nagreply ang bata kahita no pa raw ang sabihin ko di ja daw mababago ang ginawa ko sa kanya. Pilit ko po ineexpalin kung bakit pero nakablock na po ako sa fb nya. At for sure di na nya nabasa ang pagsabi ko ng katotohanan tingkol sa ginawa nila sa akin. Tungkol sa pinadanas sa akin ng nanay ng tatay nya maging ng tatay nila. Dahil ni minsan di ko po siniraan sa paningin ng mga bata ang tatay nila. Ngayon ayaw napo akong kausapin ng bata at ayaw nya na pumunta sa amin.
Nandito pa po ako sa Dubai namamasukan po bilang domestic helper. Pero gusto ko po sana umuwi sa April para kunin ang bata. May laban po ba ako? Ano po ba ang pwede kong gawin? Dapat ba hayaan ko nalang ang anak konna lumaki sa ganoong sitwasyon?





Last edited by Sweetkylie on Thu Jul 26, 2018 10:33 am; edited 1 time in total

Sweetkylie


Arresto Menor

At nakalimutan ko po pala idagdaig na since then pinagkakalat nya po na may lalaki ako kaya niya ako iniwan kahit sya ang nambabae, kesyo barkadista ako kahit simula noong naging kami ay pinagbawalan nya na ako pumunta sa mga kakilala ko na halos di nga nakapunta sa bahay maging mga kumare ko dahil ayaw niya. Umabot po ako sa punto nuon na di na ako nalabas ng kwarto after ko po manganak sa bunso. Halos di na ako nakain at kahit mga kaibigan ko ay kinakausap na ni mama para kausapin ako at tulungan ako. After ko iwan ang anak ko sa kanila matinding depression po ang pinagdaanan ko. Kahit nagkaanak na ako ng apat ay paulit ulit bumabalik ang depression ko dahil di ko po makalimutan ang ginawa nila sa akin. Di po ako nakahingi ng tulong kahit nung mga panahon. Na binubogbog nya ako wala akong magawa at wala akong kalaban laban. Wala akong kakampi at di ako makapunta sa mga kaibigan ko at kakilala sa takot na malaman ng pamilya ko. Yung malapit lang sa akin ang nakakita ng mga pasa ko at may alam sa lahat ng ginawa nya at hanggang ngayon ang bakat na naiwan sa ulo ko sa pagkakasuntok nya ay dala dala ko pa din. Ilang bwan ko pong ininda ang pamamaga ko at panay na pagsakit nito dahil sa pagsuntok niya kaso di ko maipagamot dahil wala akong pera kaya ito nayupi kunti. At lately ko lang po tuluyang kinalimutan ang sakit na dulot ng kahapon ko. Ilang yeara din po ako nagbabasa tungkol sa depression at kung papano ko malalagpasan to. Through reading po nakahanap ako ng kahit papano sulosyon sa pinagdadaanan ko with the help of mya family and friends. Muntik na po ako mabaliw sa ginawa nya. Pero thanks God nanaig pa rin sa utak ko na kailangan ako ng mga anak ko at kailangan ko silang kalimutan para makamove on ako ng tuluyan. Kamakailan lang po ako tuluyang nakawala sa kahapon ko nung naisiwalat ko sa fb ang ginawa niya sa akin namatagal kong tinago. Nabuksan lang dahil sila mismo ang nagkwento sa anak ko mismong mama pa nya. Sinabihan ko sila na imbes magpasalamat at di ako nanggulo o di ko sila pinakulong pareho dahil 15 at 16 lng akonng gawin nila sa akin yun, ay yun pa ang igaganti nila, minsan na nyang sinira ang buhay ng panganay ko ngayon ang pangalawa naman. Pinuno nya ng pagkamuhi ang mga anak ko.

Yung anak ko na nasa akin ay nasa mama ko po ko iniwanan at Tha ks God ngayon naiintindihan na nya kkung bakit ganon nalang ang pagpoporsige ko na makatapos sya at ganun nalang ang sulport ko sa mga gusto niya. Til now di pa rin nagbibigay ng sustento o kahit abutan lang ng baon ang panganay nyang anak kahit lagi naman silang nagkikita pag hinahatid nya yung bunso dahilbiisang school lang sila.

BCL13


Arresto Mayor

Since the children are illegitimate, you have full custody of them. Just ask for assistance in DSWD when you are going to get your youngest. I am sure they will be on your side. If they want to have custody of your youngest, they will have to file it in court and prove that no one in your family is suitable for the custody of the child, which I doubt they will be able to.

PS: I'm not a lawyer, just sharing to you what I have read

Sweetkylie


Arresto Menor

Is this true? I'm really worried if We will push it to the cpurt or any institution that they my regect my plead. It took me years to finally got the guts to tell the world what they did to me because I'm far from them. They could not harm me and I know my family or my brothers are now mattured enough to handle things. I regret those years that I was not able to fight back and it haunts me.

Sweetkylie


Arresto Menor

Thanks for your reply somehow it lits a light in my heart. A little hope that if I will stand and fight I'll be able to get my son... I was praying that someone will could somehow tell me what to do. And if it's true I will try to come home this April to get him. Thanks from the bottom of my heart 😘😘

6PLEASE HELP.. Seeking for legal advice: Fighting for custody Empty Fake cenomar Sun Jul 29, 2018 5:10 am

kris12345


Arresto Menor

Nag-aapply po ako loan sa bank.. I am married pero di pa po palit status. Ask po si bank ng cenomar.. Nagbigay po ako fake cenomar. Nagche-check po ba ang mga bank sa NSO? Ano po possible na mangyari kapag nalaman ng bank na fajr yung cenomar?

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum