Kasal po kami ng asawa ko at may isa po kaming anak na isa 3 years old. lagi kaming nag aaway at nagkakasakitan mula nung nagsama kami ng asawa ko at lagi syang nagbibitaw ng masasamang salita sa akin. so i decided na makipaghiwalay. ngayon po ang problema ko po kinuha nya ung bata dahil namimis nya daw kaya pansamantala binigay ko ung bata. pero nung sasabihin ko na na gusto ko sanang maging equal ung karapatan ko at karapatan nya pati narin sa mga parents namin (Lolo at Lola) dahil mag aabroad din sya at ako din mag aabroad as of now nka bakasyon po kaming pareho... ang sabi nya sa akin nung nag request ako ng Pirmahan tungkol sa Equal custody sa bata hindi po sya pumayag. Ang sabi nya po sa akin kun gusto ko daw pasyalan ung bata kami ang pumunta sa kanila at hindi pwedeng dalhin ung bata dito sa bahay ng parents ko pag wala sya at wala ako. in short dun lang sya sa parents nya. ang tanung ko po Pwede po ba yung ganun samantalang ako nmn ang dapat na may karapatan sa bata. ang sabi nya magsasampa din daw sya ng reklamo sa akin na hindi ko daw alam alagaan yung bata pero ung paratang nya na yun sa akin e hindi po totoo.tapos pwede daw nya ako ipa hold sa immigration anytime na kunin ko ung bata at mag abroad ako..Atty. anu po ba ang dapat kong gawin at kasulatan na pwede kong ipakita pra matapos po itong problema ko.maraming salamat po.sna po e matulungan nyo po ako.