umutang po ako sa tita ng dati ko kasama sa trabaho ng 40K, nauna po is 25K tapos nagre-loan po ako ng 15K. yung 25K is for 5 gives po tapos yung 15K 6 gives, meron po 10% interest every month. nung una po nakakapagbayad po ako pero nung mga sumunod na hulog ay hindi na po ako makapagnayad dahil sa mga dumating po na problema sakin pang pinansiyal. nung una nakapag hulog po ako ng 2 beses sa 25K ng 6250 bale 13,000 tapos sa 15K po 2 beses din na 3250 bale 6500 po tapos hindi na po ako nakahulog sa mgha sumunod dahil wala po talaga ako maipanghulog. nakiusap po ako na magbabayad na lang ng buo sa october 30, kukunin ko sa SSS and pagibig loan ko pero hindi na-release, nakiusap ako ulit ng november 30 pero wala pa rin ung loan, kaya nakiusap ako ulit ng december 15, pero mukhang wala pa rin dahil until now wala pa daw status sabi ng pagibig at ung sa SSS hindi pam napo-post ang 2 months na hulog ko until now. nag-compute po ako pero hindi pa rin aabot ang ni-loan ko sa amountb na hinihingi nila, may balance pa daw po ako 31,700. hindi po aabot dun ung ni-loan ko. anu po ang gagawin ko kasi puro mura na po ang natatanggap ko mula sa kanila. may 2 po ako mga anak at ako po ay kasalukuyang buntis at malapit na manganak. kailangan ko din po ng pera kaya hindi po ako makakabayad ng amount na hinihingi nila. salamat po