good day,hingi po sana me ng legal advice regarding po dun sa pagbebenta po ng truck namin nun 2011 po nag try po kaming pumasok sa trucking kaya lang po hindi po kami pinalad,sa kadahilanan na minsan walang driver at pahinante o kaya naman walang po kaming maparkingan kaya po naisipan na lang po ng asawa ko na ibenta kahit hulugan,sa mag asawa na nagttrucking din,at nakasama niya dun, nilapitan sya at nag offer na kung like daw po ng asawa ko na ibenta sa aknila at babayaran kami ng 25K a month,kaya po pumayag na lang po ung asawa ko,kaya kahit masakit po sa amin pumayag na lang po siya at nagtiwala kasi matagal na din pong nagttrucking ung mag asawa sa pier.,.wala po kasi kaming idea ang asawa ko if pano po kakasuhan ung mag asawa na bumili ng truck namin sa,isa po sila sa mga Truckers po sa Manila..ganito po kasi un,binenta po namin ung truck worth 600K,pero hulugan dun sa mag asawa na nag ooperate sa pier ng 4 na truck,napagkasunduan po dun regarding sa pag babayad na, una mag bibigay sila muna ng 50k,tapos 50K ulit for downpayment with certain date and 25k every month hanggang mabayaran nila ung napag usapan na price,nung una po nagbabayad sila ng 25K pero hindi po sa tamang date and month minsan po lumalagpas,after po mga 5 months mga month of april 2012 nahirapan na po kaming maningil lagi nilang sinasabi na may sira ung truck,o kaya nahila sa kalsada, o kaya naman po hindi daw po nakakbiyahe,kaya hindi muna sila magbabayad,sa ganun po iniintindi na lang po namin ung pakiusap nila,hanggang sa dumating po na lagi nilang sinasabi na may problema at hindi sila nakakbayd,so kami po nagtataka bakit hindi sila nakabayad,nalaman na lang po namin minsan na sinisingil po namin sila dahil sobra na ung tagal nung tinawagan po namin para maningil galit na galit po ung asawang babae at sinasabi sira nga daw ung truck at wala daw po silang napapkinabangan at wala daw po silang pangbabayad sa amin dahil daw po hindi tumatakbo ung truck,sabi naman po namin bakit nila hindi pagawa para tumakbo at kumita sila dahil po nung binili nila po sa amin un eh umaandar at bago lahat ng gulong at pinagawa po namin ung mga sira bago nila binili,ayun po pala sinabi po nung asawang lalaki na natuyuan daw po ng langis ng isa sa mga driver niya,ang sabi naman po namin hindi naman namin kasalanan un,ang pinipilit nila dahil hindi umaandar hindi daw po nila kami babayaran,then hanggang sa nakiusap ulit at nagbayad po ng dalawang checke na insufficient fund naman po pala,at sinabi sa amin na ideposit at may pondo na,nakadalawang beses po kaming deposit kasi sabi po ay nilagyan na nila,tapos ung isa naman po is close account naman po pala..after nun pinagbigyan namin ulit kasi nagbayad ulit po ng 10K,at sinabi po sa amin na wag na muna kami maningil hanggang Oct.2012 upang magawa daw po niya ung truck,at pinapili pa kami sinabi niya anu daw gusto namin magbayad siya at hindi niya gawin ung truck or gagawin niya ung truck para dire diretso niya kami babayaran,so wala din po kaming magawa para na alng din po maging maayos at makapagbayad sila punayag po kami,kaya lang pagdating po ng Oct.Nov.hindi po sila nagtetext at tinatawagan namin sila ngunit hindi nila sinagot at sinagot man sinasabi sa amin na mamayang hapon magdedeposit sila ngunit wala naman,paulit ulit hanggang sa sinagot nung babaeng asawa na galit na galit ang kukulit daw namin,kunin na lang daw namin ung truck,sabi namin sira sira at walang gulong ,hindi nyo pinapaayos tapos pinapakuha nyo,at inuuna nila ay ung mga truck din nila,eh ang sabi namin hindi naman ganyan ung pinag usapan natin at pinirmahan nyo,eh di nag usap ulit sinabi po nila na baka pwede 10K na lang para mapagawa nila ung truck ulit,so dapat po Dec.2012 ung bayad nila na lagi sinasabi na mamaya idedeposit nila hanggang sa naghihintay kami sa wala,ngayon Jan.2013 dapat magbayad ulit sila at sianbi mamaya ulit,so tinawagan na po ng asawa ko,ang sagot po una kasi nagka problema ulit sa mga truck ko,bigla po sumigaw ung asawang babae na nagdeposit na daw sila ng 5K,so nag tanong po ung asawa ko bakit un lang po eh napag usapan is 10K,ang sagot nila eh sira naman ung truck mo eh,sabi ng asawa ko eh truck nyo na yan dahil binili nyo na at sinabi na lang po ng asawa ko na pakibasa ung contrata na pinirmahan nyo,ang SAGOT PO SA AMIN IS PIRMA LANG YAN WALANG MAGAGAWA YAN SA AKIN,KUNG SA BANKO NGA HINDI KAMI NATATAKOT KAPAG NAHAHATAKAN KAMI NG TRUCK SAYO PA,AT UNG TRUCK MO DITO HAHAYAAN NA LANG NAMIN HINDI KO NA PABABANATAYAN KUNG MANAKAWAN NG MGA PIYESA,SO DUN NA PO NAGDECIDE UNG ASAWA KO NA KASUHAN NA LANG,IMBES A MAKIUSAP SILA PA UNG NAGMAMALAKI,HIHINTAYIN DAW PO NILA AT PAGHAHANDAAN DAW PO UNG DEMANDA PO NAMIN,ANO PO BA UNG MAGANDA GAWIN AT KUNG ANO PO PWEDENG IKASO SA MAG ASAWA?HINDI PA PO KAMI MAKALAPIT SA ATTORNEY DAHIL HINDI PO NAMIN ALAM IF PAANO KAMI MAGSASAMPA NG KASO SA MAG ASAWA AT KUNG MAGKANO PO UNG GAGASTUSIN?, DAHIL KAPOS DIN PO KAMI NGAYON,UN PO KASING PERA NA INAASAHAN NAMIN IS UNG PONG IBABAYAD DIN PO NILA,BUTI NA NGA LANG NABASA KO PO UNG FORUM DITO ATLEAST MAKAKAKUHA PO KAMI NG SUGGESTION IF KUNG MAY LABAN PO BA KAMI?thank you po,sana matulungan nyo po kami..Godbless po..