May nangungupahan po sa isang bahay namin, ngayon yung nangungupahan, ilang beses na sila lumabag sa contrata.
Tulad ng:
1. more than 10days delay sa pagbabayad.
2. binabayas nila sa bayad yung pagpapagawa sa bahay.
3. Used of advance deposit.
Yung bahay po gagamitin na din po namin, ilang beses na namin sila sinabihan, ayaw pa rin po talaga umalis.
Hindi na rin po nagbabayad ng tama at kung ano-ano pa sinabing chismis sa katabing bahay namin tungkol samin.
Nagamit na din po nila yung advance deposit nila and then lagi pang delay din mag-bayad. delay na umaabot na ng halos magpangalawang buwan na, tapos yung susunod na bayaran nila halos isang linggo nalang din.
Yung nag-uupa po samin, may tindahan naman din, at may trabaho ang mga anak. hindi naman po siguro naghihirap..
Ilang beses na namin kinausap na umalis nalang kung nahihirapan sila magbayad, ayaw parin.
Binigyan narin namin sila ng palugit na 20days at hindi na namin siningil para makahanap ng malilipatan.. lumipas ang 20days, nandun parin po sila at galit pa. Hindi daw sila aalis sa bahay dahil nagbabayad naman daw..
Hindi naman po namin sila paaalisin kung nagbabayad naman talaga. hindi naman po talaga sila nagbabayad ng upa.
Tapos, kami pa gusto i-demanda kung paalisin daw sila.
Ano po maari namin gawin para mapaalis nag-uupa sa bahay namin?