May nag loan sa akin ng pera mga 600k para sa business expansion nya.. Ang contract namin ay magbibigay sya ng 5% / month for 1 year para dito.. almost 5 years na kami na ganito kaya trusted ko na. Last year mga feb 2016 nagkaroon ulit sya ng proposal sa akin at nakapagpaloan ulit ako ng 600k..
Ang problema ko ngayon is mula nung nagbigay ako ng another 600k, nagrequest sya i-hold ko muna yung check ko for the 5%/month.. tumagal ito hanggang sa present..so mga 1 and a half years na akong walang nakukuha sa kanya.. naverify ko din na close na yung bank account nya kung saan sya nag issue ng check..
May contact pa naman ako dun sa tao.. but bihira nya na sinasagot ang phone.. depende lang kung gusto nya. Lagi syang humihingi ng extension pero ayun nga umabot na ng halos 1.5 years. Hindi ko naren alam kung saan sya nakatira ngayon..
Ano kaya ang magandang gawin? hintayin ko lang magmaterialize yung pangako nya or dapat mas maging aggressive ako? makakafile paba ako ng estafa if ever? papaano if nagtago na sya?
Mga magkano kaya aabutin if ever mag file? mababawi ba itong damages na ito if nanalo sa kaso..
salamat po sa sasagot.