Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

DT fail/Forced resignation

+3
cc-m
mikos23
Bernardo420
7 posters

Go to page : 1, 2  Next

Go down  Message [Page 1 of 2]

1DT fail/Forced resignation  Empty DT fail/Forced resignation Thu Oct 19, 2017 7:09 pm

Bernardo420


Arresto Menor

Hi attorneys and future attorneys,

Gusto ko po sana humingi ng legal advise sa inyo about a complaint that im planning to file against my previous employer.

I worked for a call center and I stayed with them for 2 years. January 2017, I was picked for a random drug test. (4months later) May 2017, the company issued me a show cause memo about being positive with THC (cannabinoids), I was asked to submit an explanation letter.

I submitted the explanation letter and my employment status was placed on a preventive suspension while waiting for the hearing to be held.

After a week I attend the hearing. The people who joined the meeting were 2 HR, company doctor, dangerous drugs board(DDB) doctor. The management let me explain and I told them the truth and a brief story about my life.

They somehow accepted the explanation and lowered the sanction to final warning; however, strict conditions should be followed.

I agreed to all the conditions and asked 1 consideration since I'll be staying in the province while on floating status. I requested to receive an advance notice for the counseling since I'll be traveling from Mindoro. I was told that they have to discuss about the request and they'll let me know about the decision.

After two days, i received a text message and the request was denied. The couseling will proceed as normal.

I was forced to resign dahil mahirap po ang gusto nila mangyari. Once na kinontak ako, kelangan nasa counseling nako as soon as possible.

I believe that i was not given a fair treatment or option. Pumayag po ako sa lahat ng gusto nila pero if you can only hear the actual recording ng usapan dun sa hearing, sa tingin ko mararamdaman niyo din na gusto nila akong umayaw. 

Mababasa niyo po sa resignation letter ko yung mga salita na "it saddens me that i have to forcefully end my career this way".

Sobrang bigat po ng impact ng pangyayari sa buhay ko, dahil may personal na buhay po ako na naapektuhan dahil sa nangyari. Madameng nagbago sa pananaw ko at bumaba ang tingin ko sa sarile ko.

Wala man lang guidance or briefing from the HR na kung pano ako mag momove on since masyadong personal yung case ko.

Ilang buwan din po akong hinde makapag apply dahil hinde ko alam ang sasabihin ko kung bakit ako umalis sa dati kong kompanya. Napipilitan po akong mag sinungaling dahil sa ginawa nila. Ngayon ang epekto po sakin sa trabaho ay mabigat dahil hinde ko ma express ang sarile ko dahil meron akong itinatagong pangyayaring naganap sa nakaraang trabaho ko. Nawala po ang focus ko at ngayon po may chance na matanggal ako sa training ko dahil sa performance and attitude dala na po ng pag iisip sa mga nangyari.

Sana po matulungan niyo kong mabigyan ng justice yung mga nangyari sakin, gusto ko pong pag bayaran nila lahat ng sakit at bigat na naramdaman ko. 

Sa simula palang po na binigyan ako ng show cause memo, voluntary napo akong mag reresign. Kaso pinigilan po nila ako at pinaasa na hinde ako maalis sa trabaho ko. Sobrang sakit po ng ginawa nila sakin dahil pinaniwalaan ko sila. Below are the conditions that I agreed to:

-6 months counseling/ drug test
-6 months floating status
-no assurance to be reinstated on the same account
-post monitoring after 6 months
-inclusion in the ramdom selection for drug test
-1,800 fee for the monitoring within 6 months that will be shouldered by the employee

wala po ba akong karapatan humingi ng konsiderasyon? Hinde po ba parang unreasonable demand na yung part na na deny yung request ko? naniniwala po ako na may mali sa pag trato nila sa akin. Ako po ay nasa tamang pag iisip at hinde kailanman gumawa ng mali sa kompanya nila. Ang pagkakamali ko po ay personal at pinaniniwalaan kong hinde ko po eto dapat pag dusahan sa pamamagitan ng pag trato nila sakin, i know that i should be responsible for my own actions but not to the point that i have no choice. Sobrang nakakababa po ng moral ang mga pangyayari.

Salamat po.

2DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Fri Oct 20, 2017 6:53 am

mikos23

mikos23
Reclusion Perpetua

wala po ba akong karapatan humingi ng konsiderasyon?
- meron pero karapatan ng kumpanya ang pag payag at pag tangi ng hinihingi mo.
Hinde po ba parang unreasonable demand na yung part na na deny yung request ko?
- di naman, meron mga policies and procedure lang na sinusundan ang kumpanya kaya iyan lang ang pinapatupad nila.

3DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Fri Oct 20, 2017 8:48 am

Bernardo420


Arresto Menor

Sir mikos23, San part po ng situation ko maipapasok yung karapatan ko? Never po ba talaga nila icoconsider yung layo ng pangagalingan ko? (Mindoro to Manila) Meron pong part sa website ng NLRC na nakalagay.

"Constructive dismissal is an involuntary resignation resorted to when continued employment is rendered impossible, unreasonable or unlikely; when there is a demotion in rank and/or a diminution in pay; or when a clear discrimination, insensibility or disdain by an employer becomes unbearable to the employee that it could foreclose any choice by him except to forego his continued employment."

Aminado po ako na hinde kakayanin ng byahe ang from Mindoro to Manila ang bigalaang counseling.
Hindi po ba may pag ka insensibility yung decision nila?
Hinde po pwede na masabing unbearable yung situation na binigay nila sa akin? Dahil kapag hinde ako nakapunta sa counseling sa tamang oras mateterminate po ako. Hinde po ba naten masasabing discrimination yung pag sabe nila na, no assurance kung makakabalik ako sa account, dahil yun daw po ang parang rules ni client?

Sir kelangan ko po ng kapaliwanagan. Dahil sa mga nangyari natanggal nako sa bagong trabaho ko. Ang tingin ko po sinungaling ang naging tingin sakin ng mga tao sa pinasukan ko, dahil nasa training palang parang nag iba iba ang sagot ko pag tinatanong ako bakit ako umalis sa previous work ko. Naging pabigat yung experience ko na yun at napilitan ako mag sinungaling dun sa pinasukan ko. Kaya pag natanong ako ng tungkol sa previous job nasisira po yung focus ko sa training. Hanggang sa natanggal napo ako yesterday.

Salamat po

4DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Fri Oct 20, 2017 11:08 am

mikos23

mikos23
Reclusion Perpetua

Bernard,

Umalis ka na dun sa kumpanya na yun, so wala ka ng habol. dapat ng nandoon ka pa ay tsaka ka nag inquire dito. masyado nang late para mang hingi ka ng legal advice.

For advice na hindi legal, mag move on ka na. matuto ka sa nangyari sa iyo at ayusin mo na ang iyong buhay para maayos mo rin ang pag trabaho mo sa mga susunod na kumpanya.

5DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Fri Oct 20, 2017 6:40 pm

Bernardo420


Arresto Menor

Mikos,

Ngayon ko lang na realize na may mali sa ginawa nila sakin. Kaya po ako nagtatanong dito hinde po para makipag agumento. Maayos po ang buhay ko, pero sa aspeto ng pag tattrabaho yan po ang nasira sakin.

Shinare ko po ang mga pangyayari dito sa paniniwalang makakakuha ako ng posibleng legal na payo. Pero kung sasabihin niyo lang din ako ng para sa advice na hinde legal, mas mabuti nalang po sana na hinde niyo nalang ako sinagot.

Kaya nga po tungkol sa constructive dismissal ang tanong ko. Dahil napa resign ako ng labag sa loob. Sana nauunawan niyo sir, hinde po ako nakikipag talo at hinde rin po ganun ganun lang na pwede tanggapin ang nangyari dahil hinde ko matuturuuan ang emosyon ko ng kung anong dapat maramdaman.

kung hinde niyo po kaya sagutin yung mga katanungan ko. Wala pong problema, pasensya na kayo. Sana may ibang atty or future atty na makakita ng thread nato. Lumakas lalo ang loob ko ng mabasa yung FAQ's ng NLRC.

Sir Mikos last questions ko sayo, ang gusto mo bang gawin ko eh huwag nalang magsabe ng totoo tungkol dun sa nangyari sakin? Kapag natanong ako about sa previous company ko. Ganun po ang process ng "constructive dismissal" kelangan nagtatrabaho ka din sa kompanya? Di po ba parang kontra yung sitwasyon sa kaso?

Mas gugustuhin ko nalang po isagot na "I resigned, me and the company had a misunderstanding" after pong mabigyan ng justice yung ginawa nila sakin. Willing ako na ipag paliban muna ang pag tattrbaho kesa mag sinungaling sa mga makakasama ko sa kompanya, gusto dumating yung araw na ikukuwneto ang tunay na nangyari hanggang sa mabigyan ng hustisya yung ginawa sakin ng dati kong kompanya.

Thank you

6DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Sat Oct 21, 2017 7:27 am

mikos23

mikos23
Reclusion Perpetua

There is no constructive dismissal in your case.

Constructive dismissal is an employer’s act amounting to dismissal but made to appear as if it were not – a dismissal in disguise. In most cases of constructive dismissal, the employee is allowed to continue to work, but is simply reassigned, or demoted, or his pay diminished without a valid reason to do so.

Constructive dismissal does not always involve forthright dismissal or diminution in rank, compensation, benefit and privileges. There may be constructive dismissal if an act of clear discrimination, insensibility or disdain by an employer becomes so unbearable on the part or the employee that it could foreclose any choice by him except to forego his continued employment.

In your case, there is no outright dismissal, diminution of right/compensation/benefit and previlege. they are stating their process which as required by law that to help those employees who are positive in the DT. Their process also have guidelines that they must adhere to. You have to undergo counseling. Just because they did not approve your request for consideration does not mean that they are discriminating you. There could be many reason such as the availability of the counselor or if they agree to your consideration, they would also have to agree to the consideration requested by others.

It will be hard for you to prove that there is a constructive dismissal in your case. If you want to pursue this, then go ahead. The reason for the other advice I gave you is that you will be wasting your time and effort in a non-constructive activity. Let us say that you go and file a case against your previous company, there will be hearing that you need to attend and that would entail time and money for you.

First would be SENA, where the DOLE would let you talk to each other and have an agreement. I doubt if the company would agree or settle with you.

Then this case would be dragged to NLRC.
Hearing scheduled by the NLRC are usually, but not always, sent thru mail. If you are in mindoro and you received it late, you are going to request for a reschedule. How about if the company received it late, you are in NLRC and the company didn't show. It will be rescheduled. What if you are already working and there is a schedule, you would have to file a leave in order to attend the hearing. What would that new company think if they found out that you have filed a case against your previous employer. This case would drag into months. If they win, would you pursue it to the courts? If you win they would. In the court, this case would drag into years.

If the circumstances are right, I would say to you to go and fight it out with them. However, I don't see that you have a chance.


7DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Sat Oct 21, 2017 9:18 am

cc-m


Arresto Menor

very well said.

8DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Sat Oct 21, 2017 10:28 pm

Bernardo420


Arresto Menor

Salamat po sa napaka ayos na pag papaliwanag.

Mga sir, nung panahon na empleyado pako ng kompanya, may pananagutan padin po sila sakin hinde po ba.

Dahil sa mga nangyari at pinag dadaanan ko, nabasa ko po ang part sa "DOLE department order 53-03" ang Treatment, Rehabilitation and Referral. Isa po sa mga Nakalagay doon ay:

" The drug prevention and control program shall include treatment, rehabilitation and referral procedure to be provided by the company staff or by an external provider. It shall also include a provision for employee assistance and counseling for emotionally stressed employees"

I was emotionally stressed that time actually until now, and doesn't know much about labor laws.

Ako po ay first time na nag positive sa random drug test, at sa pag kaka intinde ko, the assessment team have an option kung anong ipapagawa nila sakin. Maliwanag na kelangan ko sila dahil sumangayon ako sa kagustuhan nila ang niging komplikasyon lamang po ay ang pag hingi ko ng konsiderasyon.

Sir ang kaso ko po sa opisina namin ay confidential, hinde po ako sa kumokontra sa kaalaman niyo, pero bakit niyo nasabi na "if they agree to your consideration, they would also have to agree to the consideration requested by others."? Hinde po ba parang mali ang magiging proseso or ibig sabihin ng salitang "confidential" kung idadamay naten ang ibang taong hinde naman involve sa kaso? Or may ibang kaso?

Naniniwala po ako na malawak at malalim mag isip ang kompanya dahil successful sila, at makikita naman iyon sa narating nila. Kung ang dahilan ko ay magiging dahilan din ng iba at alam ng kompanya na nakakasama ko ang taong yun at pareho kaming positibo sa drug test. May posibilidad po na pinag uusapan namin ang nangyari, ang katotohanan po ay hinde at walang ibang taong kasali dahil confidential po ang lahat at ako lang po ang involve dito.

Sir mabalik tayo s salita ng DOLE "assistance and counseling for emotionally stressed employee". Mabalik po tayo sa punto na dineny ni company ang consideration na hinihingi ko. Nadagdagan po lalo ang bigat ng dinadala ko dahil sa desisyon nila. Ok given rules is rules.

malinaw na kaya ako sumangyon sa gusto nila dahil gusto ko pang mag stay sa kanila, technically empleyado padin nila ako di po ba, dahil hinde pako nag reresign.

Bakit hinde po ako nakatanggap or nabigyan ng kapaliwanagan or option dun sa kaso ko? Hinde po ba entitled padin ako dun sa "assistance and counseling" na sinasabe ng DOLE dahil empleyado padin ako at napunta ako sa sitwasayon na iyon dahil sa random drug test na isinagawa ng kompanya? Hinde po ba malinaw na yun ang naging dahilan ng pag bitaw ko sa trabaho eh dahil may naging kakulangan sila sa pag gabay sakin, habang obvious naman na stressed out nako sa posisyon ko na yun?

Siguro naman po sasangayon kayo sakin na kapag tayo ay stressed at emotionally challenged, hinde po tayo nakaka function or nakakapag desisyon agad ng tama. Lalo na kung termination ang kakaharapin mo kapag hinde mo nasunod ang striktong kagustuhan nila.

Ang sitwasyon ko po ay mahirap dahil bilang at malayo ang mga taong pwede kong hingahan ng saloobin ko at mahingian ng payo.

No choice po ang tanging option na binigay nila sakin. Yun po ang pakiramdam ko.

Ang pagkakaintinde ko po ay may pananagutan sila sakin habang empleyado nila ako, Pero sa ginawa nila na inertertain pa nila ang pag reresign ko kesa sa kaso ko, hinde po ba pag papatunay na yun ng walang pag papahalaga sa empleyado? Nasaan po ang assistance and counseling for stressed employees? Mas lalo lang po ako na stress sa ginawa nila hinde po ba? Maari pa po akong maniwala na hinde sila nag kulang kung, ang naging pag pag trato nila sakin nung paalis nako ay:

-pinakausap nila ako ulit sa company doctor
-binigyan nila ako ng maayos na briefing or exit interview
-binigyan nila ako ng option after ma deny ang request ko.

Nag resign ako at tinrato nila iyon na para lang ba akong empleyado na umalis ng normal. Umalis po ako ng mabigat ang loob sa kompanya, at madameng tanong sa sarile na hanggang ngayon wala padin linaw sakin kung bakit ganun ganun nalang nila ako pinayagan mag resign na hinde bokal sa aking loob?

Salamat po sa sasagot sa kung meron pang ibang gusto sumagot.

Naapreciate ko po ang pagbibigay niyo ng linaw at kasagutan niyo sa akin. Godbless us all po


9DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Sun Oct 22, 2017 12:37 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

Just to chime in on your situation, i agree with mikos23, wala kang laban kung ipupursue mo yan case. sa pinopoint mo na hindi nila pinagbigyan ang request mo, wala naman sa proseso yung kailangan pagbigyan ka sa mga request mo. ang required lang kay company ay magprovide ng kung ano ang nasasaad sa batas. regarding counseling, magbibigay naman sila so satisfied nila ang required sa kanila. masakit mang tanggapin pero hindi problema ni company yung availability mo sa counseling.

10DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Sun Oct 22, 2017 11:29 pm

Bernardo420


Arresto Menor

Thank you sa opinion mo sir.

Sir maliwanag naman po yun sakin kaya nga ang sagot ko dun ay "given, rules ay rules". Ang hinahanap ko po ngayon ang kasagutan sa, kung bakit mas inertertain ni company ang resignation ko kesa sa ikabubuti ng empleyado nila? Para lamang sa ikakalinaw ng sitwasayon, hinde po "mga" ang consideration na hinihingi ko, isa lamang po.

Para naman po sa komento niyo na "hindi problema ni company yung availability mo sa counseling." Hinde ba malinaw na disain at insensibility ang ipinipikita nila, kung ganyan nga talaga mag isip ang kompanya namin? Pero tama po kayo 100% wala talaga silang pag papahalaga sa tulad ko. Dahil kung meron, kahit onting kapaliwanagan ay bibigyan nila ako. Tama po ba sir xtianjames?

Sir xtianjames, nararamdaman ko pong marami kayong alam sa larangan ng pagpapalakad sa kompanya base sa pagsagot niyo sa sitwasyon ko.

Pwede niyo po bang bigyan ng opinyon ang tungkol sa
Mga katanungan ko sa "DOLE department order 53-03"? At iba pang opinyon niyo sa mga iba pang katanungan ko? Ang tingin ko napo ngayon ay dyan sa rules na iyan sila nagkulang. Sa assistance and counseling for stressed employees, hinde po ako pina drug test ng kompanya dahil meron akong performance issue, ako po ay kasama lamang sa random na ndrugtest.

Nakitaan po ako ng symptoms ng stress after ng admin hearing. Dun palang po ay di po ba dapat ginabayan na nila ako? Dahil malinaw naman na gusto ko padin mag stay sa company. Kaso mukang pinanindigan nila ang pag papakita ng "hinde na nila problema ang kung ano mang nangyayari sakin".

Maapreciate ko ang sagot niyo ng sobra.

Looking forward to anybodys response. Tayo po dito ay may malayang karapatan na magbigay ng ating opinyon at sana po huwag natin tratuhin ang sitwasyon na tayo ay nagpapagalingan at nagdedebate.

Ako lamang po ay humingi ng opinion base sa perspective ng kompanya.

Ang mga sagot ninyo ang tutulong sakin para mailaban ko ng ayos ang kasong isasampa ko laban sa dating employer ko.

Maraming salamat po sa inyo, sana mabigyan niyo pako ng mas malalalim na opinion. Alam ko po at nararamdaman ko na ang iba dito ay nagsasalita para sa corporate side, kayo po ang mga taong may malaking impact dito kaya nag papasalamat po ako sa inyo. Huwag po sana kayong mag sawang magbigay ng opinion niyo.

God bless us all.

11DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Mon Oct 23, 2017 12:10 am

Bernardo420


Arresto Menor

-MGA PENDING NA KATANUNGAN-

"Dahil sa nadeny kong consideration for advance notice."

-Bakit hinde po ako nakatanggap or nabigyan ng kapaliwanagan or option dun sa kaso ko? Sapat na po ba ang salita na, you wont be noticed in advance, the process will proceed as normal? After ko magantay ng ilang araw.

-Hinde po ba entitled padin ako dun sa "assistance and counseling" na sinasabe ng DOLE dahil empleyado pa din nila ako sa puntong iyon, at napunta ako sa stressful na sitwasayon na iyon dahil sa random drug test na isinagawa ng kompanya?

-Hinde po ba malinaw na ang pag deny nila ng walang kapaliwanagan ang naging dahilan ng pag bitaw ko sa trabaho, dahil may naging kakulangan sila sa pag gabay sakin, habang obvious naman na stressed out nako sa sitwasyon ko na yun?

"Dahil walang naganap na employee assistance and counseling for emotionally stressed employee na tulad ko habang nasa kompanya pa ako."

-hinde po ba pag papatunay na yun ng walang pag papahalaga sa empleyado? Ano po ba ang ibig sabihin ng salitang "disdain" at "insensibility"?

-Saan po Napunta ang assistance and counseling for stressed employees na tulad ko? Base po yan sa DOLE, hinde po ba alam ng kompanya yan dahil may mga legal advisors naman sila.

"Pinaka importanteng tanong"

-bakit mas inertertain pa ng kompanya ang pag reresign ko kesa sa gabayan nila ako sa prosesong sinang ayunan ko naman? nakitaan naman nila ako ng kagustuhang mag patuloy sa pagbibigay ng serbisyo sa kanila.

Bakit?

@xtianjames
@cc-m
@mikos23

Thank you po.

12DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Mon Oct 23, 2017 3:47 am

Bernardo420


Arresto Menor

Sir @mikos23 eto pong sinasabe niyo na "Just because they did not approve your request for consideration does not mean that they are discriminating you." Just to clarify sir, hinde po dyan ang part na sinasabe ko na parang na discriminate ako, doon po sa sinabe sakin ni company na hinde ako pwede ibalik sa account dahil requirements ng client when it comes to drug positive employees.

13DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Mon Oct 23, 2017 8:39 am

lukekyle


Reclusion Perpetua

1. -Bakit hinde po ako nakatanggap or nabigyan ng kapaliwanagan or option dun sa kaso ko? Sapat na po ba ang salita na, you wont be noticed in advance, the process will proceed as normal? After ko magantay ng ilang araw. - hindi natin pwedeng hulaan ang motives nila kung bakit. In house ba or sariling rehab center ka nila pinapareport? Ang usual procedure kasi i-refer ka nila sa rehab center tapos ang rehab center na ang may mga sariling policy regarding sa counseling etc.

2. Hinde po ba entitled padin ako dun sa "assistance and counseling" na sinasabe ng DOLE dahil empleyado pa din nila ako sa puntong iyon, at napunta ako sa stressful na sitwasayon na iyon dahil sa random drug test na isinagawa ng kompanya? - Hindi. Yang assistance and counseling ay to be provided dun sa counseling na hindi mo mapuntahan. Since ikaw ang hindi makapunta because of sa layo and short notice, you effectively waived that provision.

3. -Hinde po ba malinaw na ang pag deny nila ng walang kapaliwanagan ang naging dahilan ng pag bitaw ko sa trabaho, dahil may naging kakulangan sila sa pag gabay sakin, habang obvious naman na stressed out nako sa sitwasyon ko na yun? - that will be determined if and when you file a complaint sa nlrc.

4. "Dahil walang naganap na employee assistance and counseling for emotionally stressed employee na tulad ko habang nasa kompanya pa ako." - this is supposed to happen while you are suspended and undergoing rehab. Not before.

5. -hinde po ba pag papatunay na yun ng walang pag papahalaga sa empleyado? Ano po ba ang ibig sabihin ng salitang "disdain" at "insensibility"? - possible but hindi parin yan constructive dismissal. I would suggest that you go to the nlrc, sila ang magpaliwanag sayo nyan, since napaliwanag na ni mikos ang constrcutive dismissal but parang hindi katanggap tanggap sayo ang kanyang paliwanag.

6. -Saan po Napunta ang assistance and counseling for stressed employees na tulad ko? Base po yan sa DOLE, hinde po ba alam ng kompanya yan dahil may mga legal advisors naman sila. - again yan nga yung pinapaschedule na sabi mong malayo at hindi mo kaya pag short notice.

6. -bakit mas inertertain pa ng kompanya ang pag reresign ko kesa sa gabayan nila ako sa prosesong sinang ayunan ko naman? nakitaan naman nila ako ng kagustuhang mag patuloy sa pagbibigay ng serbisyo sa kanila. - although tama na ganyan sana ang hangarin ng lahat ng employer, unfortunately hindi yan required sa batas. Ang tingin nila sayo ay adik na mas mabuting umalis nalang sa kompanya. Para lang sa karagdagan kaalamanan hindi ka kelangan i-rehab ng kompanya dahil ang pag gamit ng droga ay terminable offence. Pwede ka nilang tanggalin.

7. doon po sa sinabe sakin ni company na hinde ako pwede ibalik sa account dahil requirements ng client when it comes to drug positive employees. - hindi kasi yung employer ang nagset ng guidelines kundi ang client. Parang if si SM mag require na yung mga sales staff ng tenant ay bawal above the age ng 60, ang may pananagutan nito ay si SM hindi yung employer mo. pwede kang mag sampa ng civil suit laban dun sa client if sa tingin mo ikaw ay nidiscriminate.





14DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Mon Oct 23, 2017 10:14 am

cc-m


Arresto Menor

Bernardo-

You have no other recourse other than follow your employer’s instruction. Please stop being emotional. Lukekyle, mikos and others - their answers are lucid, if you are not satisfied with it kindly consult a lawyer so that you may arrived at a reasonable conclusion.

We hope you understand.

15DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Mon Oct 23, 2017 10:21 am

Bernardo420


Arresto Menor

Sir @lukekyle thank god at nabigyan niyo po ng pansin ang concern ko.

In house ba or sariling rehab center ka nila pinapareport?
-im not sure sir to be honest, ang sakin naman po ay willing ako kahit saan.

"hindi natin pwedeng hulaan ang motives nila kung bakit"
-I definitely agree with you sir; however, do you agree sir that im entitled to an explanation?

"that will be determined if and when you file a complaint sa nlrc."
- i will sir 100% win or lose, i need to do this sir, its not about winning or losing; i want to prove myself na, no one should be neglected or deprived with their rights. Pakiramdam ko kasi sir nawalan ako ng karapatan bilang empleyado at bilang isang mamayan, para bang pinag kait nila sakin ang linaw sa pagkakamali na nagawa ko.

"this is supposed to happen while you are suspended and undergoing rehab. Not before."
-yes correct, I was already on a preventive suspension that time and since yung counseling hinde pa nag materialize and it showed na rattled nako dahil sa denied consideration, ang question ko po ay, who will be responsible for that specific situation? Is it the company doctor or hr? Who should've provided me the assistance or explanation that i needed that time.

"Ang tingin nila sayo ay adik na mas mabuting umalis nalang sa kompanya."
-Kung ganyan nga po ang tingin nila sa akin, maliwanag po discrimination yan. Masakit pong pakinggan kasi malinaw na pang huhusga na agad yung ginawa nila, its like saying "let's remove this imperfect person in our perfect world" gusto ko lamang po linawin sa lahat ng nakakabasa dito, ang pag gamit ko po noon ng marijuana ay kailanman hinde nag dulot ng krimen o kamalian sa kapwa, ang salitang "adik" or addiction ay isang disorder. Kailaman wala akong ginawang kakaiba or kamalian mapunan ko lang ang pag gamit ng marijuana.

"pwede kang mag sampa ng civil suit laban dun sa client if sa tingin mo ikaw ay nidiscriminate."
-sir lukekyle gusto po ang idea na yan, pano po ba ang proseso niyan? Malinaw po na sinabe nila sakin yan sa hearing at recorded po yun.

Thank you so much sir lukekyle! Idol ko po kayo dito, madame po akong nababasa na comment niyo at nakikita ko pong napaka diplomatiko at fair na tao po kayo.

Looking forward to your best response sir.

Godbless us all po.

16DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Mon Oct 23, 2017 10:35 am

cc-m


Arresto Menor

"Ang tingin nila sayo ay adik na mas mabuting umalis nalang sa kompanya."
-Kung ganyan nga po ang tingin nila sa akin, maliwanag po discrimination yan. Masakit pong pakinggan kasi malinaw na pang huhusga na agad yung ginawa nila, its like saying "let's remove this imperfect person in our perfect world" gusto ko lamang po linawin sa lahat ng nakakabasa dito, ang pag gamit ko po noon ng marijuana ay kailanman hinde nag dulot ng krimen o kamalian sa kapwa, ang salitang "adik" or addiction ay isang disorder. Kailaman wala akong ginawang kakaiba or kamalian mapunan ko lang ang pag gamit ng marijuana.

=========================================
Note:

Marijuana = illegal drugs!.

It is not a discrimination acted by your employer.

17DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Mon Oct 23, 2017 11:35 am

Bernardo420


Arresto Menor

@cc-m please I humbly ask you to accept the fact that there are type of emotional people like me. Yes i agree that the admin's answers were helpful and clear; however, some of my questions were not being acknowledged. Kaya po nag mumukhang "unli" yung dating ko or aka ulit-ulit.

This site was recommended by my law student friends. Unfortunately, nasa US silang magkapatid, i was consulting them before i came here. They even told me na ang chance ko lang dito ay technicalities, a big chance of no no daw eto lalo na kung sa conservative na law person mapupunta ang case ko, pero kung maiiprepresent daw ng tama ito with correct knowledge, people still judge by heart.

Ang feedback po nila dito sa site niyo ay "mag comment ka dun bro, you will be challenged dahil walang kakampi sayo dun, and if you're able to put them on a dead end, alam mo na Smile" I have read the site's guidelines and I dont think na Im doing something wrong to stop asking for anybody's expert opinion on my case. Im not trying to compete or prove that someone's opinion is wrong, because I wouldn't be here if I already know whats going on.

Seriously i am impressed with everyone here, dahil every answer or comment that I receive were very helpful on the case that ill be filing.

Consulting a lawyer for now is not strategic and practical, lalo na kung hinde ko naman personal na kilala ang makukuha ko. Lets accept the fact that a company can buy out my attorney, thats why i needed to be equipped with knowledge because I know that this case is not going to be easy.

I am man of my word, i will not work until this case will be put to an end. I will not waste my hard earned money to someone that will just make me follow his ideas or strategy, all the knowledge that im learning and getting from here are the best weapon to combine so that i can stand a chance to win my battle and the peace of mind that i need.

If i lose, then be it. For me i will not take it negatively, instead its an opportunity to start again and learn from the experience.

Thank you po, I also hope that you understand.

18DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Mon Oct 23, 2017 11:53 am

Bernardo420


Arresto Menor

@cc-m yes you are correct, the substance itself is illegal; however, not the person who is being positive with marijuana in his or her system. To agree with "mas mabuting umalis nalang sa kompanya" is a clear manifestation of discriminating someone, because of the person's health condition. May sense po ba?

19DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Mon Oct 23, 2017 1:45 pm

cc-m


Arresto Menor

Consulting a lawyer for now is not strategic and practical, lalo na kung hinde ko naman personal na kilala ang makukuha ko. Lets accept the fact that a company can buy out my attorney, thats why i needed to be equipped with knowledge because I know that this case is not going to be easy.

===========================

It is hard to conclude otherwise, if you have doubts with a real lawyer. The way you explain your side is based on surmises and conjectures.
YOU NEED HELP.

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

20DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Mon Oct 23, 2017 3:08 pm

Bernardo420


Arresto Menor

@cc-m you have a point. Kung sabagay mag coconsult palang naman ako eh and I understand na hinde pa involve ang nlrc or whoever sa case na plano kong ifile. Siguro i just have to get someone who is trustworthy, once game na ako. There were rumors that ive heard, thats why im skeptical. I just dont feel like disclosing it here right now.

I hope na may sumagot ng last three questions ko, these were from sir lukekyle's comment:

1) "hindi natin pwedeng hulaan ang motives nila kung bakit"
-I definitely agree with you sir; however, do you agree sir that im entitled to an explanation?

2) "this is supposed to happen while you are suspended and undergoing rehab. Not before."
-yes correct, I was already on a preventive suspension that time and since yung counseling hinde pa nag materialize and it showed na rattled nako dahil sa denied consideration, ang question ko po ay, who will be responsible for that specific situation? Is it the company doctor or hr? Who should've provided me the assistance or explanation that i needed that time.

3) "pwede kang mag sampa ng civil suit laban dun sa client if sa tingin mo ikaw ay nidiscriminate."
-sir lukekyle gusto po ang idea na yan, pano po ba ang proseso niyan? Malinaw po na sinabe nila sakin yan sa hearing at recorded po yun.

Thank you sa sasagot. Last ko na po yan, yan nalang ang huling mga katanungan ko.

Pasensya na po kung medyo naging mahaba ang balitaktakan naten dito. natutuwa po ako at may idea nako kung pano ako ttratuhin ng kompanyang ihahabla ko.

Napalaking pasasalamat ko para dun sa mga umeffort sumagot at nagpaliwanag.

Mabuhay po kayo and goodluck sa ating lahat Smile

21DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Mon Oct 23, 2017 3:22 pm

lukekyle


Reclusion Perpetua

1. No, reasonable ba na magexpect ng explanation. Oo, kahit anong bagay naman dapat may explanation. ENTITLED ka ba to one, hindi po. May nilabag ba silang batas sa hindi pag bigay? wala.

2. Wala. Hindi kasi pwedeng ikaw ang magsasabi kung kelan mo kelangan ng "counselling". Nag proprovide sila pero sabi mo hindi kaya kasi malayo at short notice.

3. You need to consult a lawyer for a civil suit. Labas na ito dito at hindi na considered labor matters yan. Most of us in this thread are merely HR practioners except for a handful. I'm not sure if there is a law against discriminating against drug addicts but if ever you need to prove that the client imposed those restrictions. Not merely on the say so of your employer.

22DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Mon Oct 23, 2017 3:59 pm

cc-m


Arresto Menor

There were rumors that ive heard, thats why im skeptical. I just dont feel like disclosing it here right now.

====================

You should have a modicum of facts other than a mere SPECULATION/s. Raise your facts straight next time, so that we are not running in circles.

23DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Mon Oct 23, 2017 4:43 pm

Bernardo420


Arresto Menor

Thank you po sir lukekyle sa paliwnag.

Salamat po sa inyong lahat, just to share my friends comment just now. They're actually watching this thread.

"Sabe ko sayo bro HR lang yang mga nandyan eh, you dont have to worry, kahit smokes pa yang naging issue mo. Malaki yung chance mo dyan lalo na pag tapos ng psych test mo kaya wag mo nang panghinayang yung bayad kay @$@7$(!"

"They will never acknowledge those keywords bro, its like admitting na may talo sila dyan pero good sign diba"

I rest my case mga sirs Smile thank you po ulit sa inyong lahat. If I win I'll go back to this thread at ililibre ko kayo lahat kung papayag kayo Wink haha pero hinde kasali yung galit sa addict. Lol

Goodjob guys!

24DT fail/Forced resignation  Empty charge ng company Sat Jun 02, 2018 10:16 pm

biik14


Arresto Menor

hi po... need ko po ng payo

nagtrabaho po ako sa iaang aesthetic clinic.. may nacrang machine po at ako ang tinuturo ng regular employee na nag sira mg machine dahil daw ako ang huling gumamit.. natakot po akong pumasok dahil ichacharge daw po ako kht hnd ako ang nagsira ako ang dinidiin nla.. hnd na po ako pumapasok sa clinic dhl natatakot na po ako na kung may mcrang machine at matyempuhan na ang gumgamit a ay ako nanaman ang icharge nla. dapat po bang icharge ang empleyado sa isang ncrang machine kht walang pruweba? o dapt lng na kpag may ncrang machine ay ipaayos nla dhil ntural lng na masira ang gamit.. may laban po ba ako sa pnanakot ng kumpanya ko na pagbabayrin ako. slamat po

25DT fail/Forced resignation  Empty Re: DT fail/Forced resignation Mon Jun 04, 2018 10:40 am

attyLLL


moderator

it seems the company hasn't charged you yet and you are just speculating. Maybe you should send a letter stating why you stopped going to work and to deny that you were the one responsible for the break down. it might just be mechanical failure

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 2]

Go to page : 1, 2  Next

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum