Is this illegal termination:
Due to slow down of the project kailangan daw pong magbawas ng tao.
By the time na inaanounce nila ito, dun din sa araw na iyon sila nagtanggalan ng mahigit 20+ out of 60 employees. Meaning no 30-days render. Immediate resignation that day!
Ang mga tinanggal po ay pinaghalong regular at hindi regular na empleyado. Kahit mga maayos magtrabaho (at madalang um-absent ay tinanggal). Sa madaling salita, mahirap alamin kung ano ang pinagbatayan nila sa pagpili.
Babayaran na daw ang isang buwan na hindi nila ipapasok
pinapapirma na lang sila, pero makukuha raw nila ang pera (kasama ang darating na sahod) nila month after, 23 December sa isang ahensiya ng gobyerno. Unethical o illegal po ba ito? (Karamihan ay hindi pumirma at gusto malaman ang karapatan nila)
Hindi rin sasahod sa katapusan (30 November 2013) dahil isasama na raw yung sa huling bayad.
Hindi nagreremit ng SSS ang kumpanya na ito, pero inaawas pa rin at nakalagay sa payslip
Hindi nagreremit ng Philhealth ang kumpanya na ito, pero inaawas pa rin at nakalagay sa payslip
Hindi nagreremit ng tax ang kumpanya na ito, pero inaawas pa rin at nakalagay sa payslip
Alanganin din sila magbigay ng 13th month. Last year po (2012) april na sila nagbigay ng 13th month at sinulatan pa sila para makuha ng mag emplyado ito.