nagtatrabaho po ako bilang isang kolektor sa isang pribadong kumpanya na nagtitinda ng motorsiklo. napasok po ako dito nong June 2011.
August 26,2012 noong ako po ay naaksidente, makalipas ang isang buwan, September 29,2012 po ay lumabas ako ng hospital.
Nagreport po ako sa branch namin makalipas ang ilang araw, pinatawag ako sa telepono ng aking area manager sa head office namin sa manila na baka pwede na ako magreport ng December 2012, pero di po ako pinayagan ng HR Head at pinayuhan na saka na ako pumasok kapag maayos na ang aking kalagayan. sinubukan ko po itong pilitin pero di pa din po pumayag, huwag ko daw po ilagay sa alanganin ang kumpanya, baka daw po ako mahilo or matumba sa daan at maging problema pa.
kinailangan ko po lumuwas ng manila para po sa aking Physical at Occupational Therapy na ipinayo ng doktor sa aming probinsya.
Limang buwang out-patient po ako sa Philippine Orthopedic Center.
at sa loob ng limang buwan po ay isang beses isang buwan ako pumapasyal sa head office upang i-follow up yung SSS Sickness/Accident form.
February 18,2013 last appointment ko po sa Othopedic at finalization sa SSS Calamba Laguna.
dumaan pa po ako ng head office noon bago ako umuwi ng probinsya dahil na din sa text message ng aming auditor na dumaan daw po muna don bago ako umuwi.
pagdating ko po ng head office noon ay tinanong pa ako ng HR Head kung kukuhanin ko na daw yun "sukli" at nakatanggap ako ng 7,000 mula sa kanila.
yung sukli na tinutukoy po nila ay yun sa SSS Benefit ko.
sa awa po ng Diyos ay nabigyan at naaprubahan po yung 90Days ko ng SSS. At ang pagkakaalam ng Head Office namin ay:
90Days x Per arawan ko = 35,000
noong nasa hospital po kasi ay nagpadala sila ng 8,000 at 20,000 para sa gamot at iba pang gastusin sa hospital. pero hindi po ito tulong kundi "UTANG daw po ito na dapat bayaran" dahil po hindi daw po ako naaksidente sa oras ng trabaho.
at sa pagkakaalam nila na 35,000 ang makukuha ko sa SSS:
35,000-28,000 = 7,000 (ito po yung sukli na tinutukoy nila)
at sa kanila na dumiretso ang CHEKE na galing ng SSS.
masaya po ako nung araw na yun dahil walang wala akong kapera pera at problema ko pa ang pamasahe ko pabalik sa probinsya namin. nung maibigay po yun 7,000 ay nung araw na din na yon ay bumili ako ng ng bagong HELMET at Gloves na nagkakahalaga ng 3,999 at 1,400 para may bago ako gagamitin sa trabaho ko at nirerequire po ng LTO na MAY ICC Sticker ang mga HELMET kaya po kinailangan ko din umili total nasa manila na din naman ako ng mga panahon na iyon.
nakauwi na ako sa amin ng February 28,
nagreport ako ng March 1, 2013 sa branch namin, excited pa ang mga secretary namin at sinabihan ako na tumawag ng head office at iinform sila na magsstart na ulit ako sa trabaho.
pagtawag ko ng araw na yun:
bakit daw ako andun sa branch, sabi ko po ay magsstart na ako kasi po ayus na lahat, narelease na ako sa orthopedic at fit to work na ako and at the same time ay ok na SSS ko.
ang sagot ng HR HEAD ko po ay:
"TINANGGAL KA NA NAMIN, PINALITAN KA NA NAMIN"
"BAGSAK DAW PO SALES KO SA MGA DUMAAN NA BUWAN"
sinabi ko din po sa HR HEAD namin habang nasa telepono na yun ipinalit sakin at Trainee pa lang din naman base sa auditor at di pa alam kung san maassign. pero ang sinagot sakin ni HR HEAD ay:
"BAKIT TRAINEE KA PA LANG DIN NAMAN A?!"
sinabi ko po sa kanyan na "Yes Mam One Year na Mahigit na po Mam"
at sinabi ko din po sa kanya na willing naman ako maitapon sa ibang branch kahit sa metro manila ulit, dahil sanay na ako maitapon, bale nakatatlong branch po ako sa loob ng isang taong mahigit.
hanggang sa matapos usapan namin na mukang sya pa ang galit.
siguro po ay nagiisip kayo bakit ngayon lang ako nagrereklamo, pinipigilan po ako ng nanay ko dahil siguro po ay natatakot sya para sakin dahil kumpanya ang binabangga ko at ipag pa sa Diyos na lang daw po ang lahat, pumayag ako noon, basta wag na lang sila mang aagrabyado ng tao o empleyado at wag na nila uulitin yun ginawa nila sakin, wala ako anak at asawa kaya ayus lang sabi ko, pero what if meron?
isa pa pong dahilan ay pinipigilan din ako ng area manager ko, parang tila ba iniimpluwensyahan nya ang nanay ko na "HUwag nang ituloy"
at ang pinaka huli wala na po kaming pera simpleng empleyado lang po nanay ko sa munisipyo at baon na sa utang dahil sa pinang bayad at gastos sa hospital bills ko.
wala po akong tatay hiwalay na sila. ako lang po at nanay ko nagtatrabaho samin. sa anim na buwan na absent ko ay wala din ako sahod. NO WORK NO PAY po ako sa kumpanya namin. opo natatakot din ako sa totoo lang, pero sa patuloy na pang aabuso nila sa empleyado magpahanggang sa ngayon ay tila parang gusto kong sila ay balikan.
at wala nga po pala ako nakuha na kahit na ano maliban sa hiningi kong Certificate of Employment noong August 2013.
1. May Expiration Date po ba pagdating sa ganitong kaso 2013-2014
2. Pwede ko pa po bang gawin yon at ireklamo sila sa Labor?
3. May makakatulong pa po ba sakin?
4. May dapat pa po ba ako matanggap mula sa dati kong kumpanya?
kasalukuyan po nagtatrabaho ako ngayon sa aming munisipyo,
maraming maraming salamat po.
God Bless.
Juan