Kung sino man po makasagot maraming salamat in advance.
Kung mangyari po na nagcompute ako ng final pay at negative ang kinalabasan na ang ibig sabihin imbis na may matanggap ang empleyado e siya ang may dapat bayaran sa kumpanya.
E paano po ba ang magandang eksplanasyon?
Sigurado naman ho kami sa computation. Nagkataon lang po talaga na kumbaga sa algebra e, mas lumamang ang negative figures kesa sa positive figures kaya nag resulta parin sa negative.
Ang eksatong nangyari po kasi is napasahod padin ang empleyado kahit na hindi na dapat,dahil hindi na sya pumpasok kaya pagdating sa computation ng back pay niya e kelangan bawiin ng kumpanya syempre yung naging sumobra sa sahod niya.
Naisip ko ang solutio indebiti, ahaha, hindi ko alam kung tamang iugnay haha. Somehow erroneously kasi na napasahod pa sya kahit di na dapat.
Anu ho bang magandang suggestion ang mabibigay niyo saken.
Sa side ho ako ng kumpanya.
Salamat po