Ganito po kasi nangyari sakin. Nagwowork po ako sa isang kilalang banko sa pilipinas from 2007-2017. Naka assign po ako sa signature verification under ng clearing department. Work po namin is i-verify yung mga signature ng cheke kung good o hindi. Ang limit po namin sa amount as staff para hindi i-countersign ng officer is 200k, above dun kelangan may pirma nila.
Tapos po ng January 2011 nagkaroon kami ng case. Ang sabi po ng client ay forge daw po yung pirma nya sa mga cheke na in-issue nya. FYI po nag close account si client nung 2009 pa pero 2011 sya nagreklamo at sinasabi nya po na yung 40+ checks na ini-issue nya from 2005-2009 ay forge. Amounting to more than 2 million pesos po. 30 po kami na staff na kasama sa sinasabi nya na forge daw na cheke. Nagkataon din po na sa 40+ na sinasabi ng client na forge 20+ ang naverify ko amounting to more than 1 million pesos. Ang sabi rin po may hearing daw po yung kaso sa amin pero hindi naman kami umaattend sa kahit anong hearing at wala naman sinasabi sa amin na schedule ng hearing. Lumapit din po kami sa union namin para matulungan kami. Ang sabi po sa amin may laban naman daw po kasi 30 kami na nagsabing good yung signature nya. Pero nagsimula paren mag deduct sa sahod namin nung 2011 ng 10% ng monthly salary namin per cut off. Tapos bigla po natigil yung deduction nung 2012. Tinanong po namin yung sa union kung clear na daw po yung kaso namin, ang sagot lang nila ay "ok na yun, naayos na namen yun". So umasa ako na ok na yung kaso namin kaya nagexpect ako na kahit papano may makukuha ako sa 9years in service ko.
Tapos nag resign ako nung April 2017 at nagulat na lang ako sa computation na binigay sa akin nung HR namin. Kumarga paren yung sa kaso sa amin. Bukod sa wala ako nakuha sa separation ako pa ang magbabayad sa kanila ng 943,000 pesos.
Ano po ba ang dapat kong gawin?
Maraming salamat po