Ano po ba pwede ko ikaso kasi lumalabas ako pa daw ang may utang na halagang 28k. Wala naman ako kinalaman sa pagkakamali nila internally tapos mag suffer ako kasi may biglang utang na pala ako. sa tingin ko kasi sila ang may mali kasi wala sa process yung ginawa nila. bukod dun sila din yung mga nagkulang gampanan ang trabaho nila bakit may pumasok na pera sa account ko kahit aware sila na naka leave ako. In the end ako tuloy may utang. Kung hindi puede sa Illegal deduction, puede ko ba ilaban ang moral and exemplary damage?
Bukod po dun, gusto ko isama yung Maternity benefit ko na hindi nila prinocess ng tama. Nov 2016 ako nanganak, premature/Emergency CS. pero nung 6mos pa lang ako nagbubuntis inasikaso ko na lahat para pag manganak ako ready na yung pera. pero kahit nabigay ko na lahat ng hiningi ng employer ko, binigay nila yung MAT1 ko 1month pag tapos ko na manganak. ang pagkaka alam ko po MAT1 hawak n dapat ng employee bago manganak at MAT2 after ng delivery. pero sa nangyare po saakin masyado nila ako pinahirapan 2months asa ICU anak ko habang asa ospital ako lagi nagtetext ang HR namin para humingi ng panibagong documents para sa MAT1 na infact matagal ko na nabigay lahat. nag dedelay na lang sila. halos magmakaawa nko para ibigay yung MAT1 ko, isang buwan bago ko makuha. at yung MAT2 hanggang ngayun wala pa din kasi ayaw nila tanggapin ang Certified true copy ng birth certificate ng anak ko. NSO copy ang gusto nila. puede po ba sila kasuhan ng Moral damage sa mga nangyare?