Nakahiram po ako sa Doctor's Cash ng PHP 4,000.00 nung una po nakapagbayad ako ng tubo nila for a month which is 1,200 po thru Cebuana kaya lang ho ehh lagi po ako nagkakasakit at hindi nakakakumpleto ng pasok sa trabaho ko nagresign po ako sa trabaho. Ngayon po last April 18,2017 may nagtext po sakin na no. From Taguig Prosecutors office daw po na may magdadala daw po ng bench warrant sa bahay namin,tinawagan ko po at ibinigay yung no. Sakin nung abogado ng complainant ang sabi po sakin ehh 36,000 na daw po ang utang ko at pinagbabayad ako ng 20,000 hanggang April 19,2017 or else itutuloy po nila ang kaso. Sa hindi po inaasahang pagkakataon since wala po akong trabaho hindi ko po nabayaran ang 20,000 , ngayon po April 28,2017 tumawag po sakin ang taguig prosecutors office tungkol po sa kaso estafa daw po. May email po akong narereceiev pero last Feb pa po and wala rin po Mail na pinapadala tungkol dito. I badly need your advice on what to do po.