Sana po ay matulungan nyo ako sa aking problema. Medyo mahaba po ito pero sana po ay malinawan nyo ako.
Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ako ng isang completo at masayang pamilya.
Meron akong kinakasama at nag ka anak kami.
Sa mga taon ng aming pagsasama, hindi ko man lang nakita at nakilala ni isa sa kanyang mga pamilya at kaibigan kahit anu man ang pilit ko sa kanya.
Hinayaan ko ang mga panahon at taon na lumipas at Sa aming pagsasama ay nagkaroon kami ng 3 anak. Nagsikap ako para mabuhay kami ng maayos. Naka pag abroad ako at parang nawala sa aking ang tunay na kasaysayan ng isang pamilya. Inisip ko nlng mag trabaho at magpadala ng pera para sila ay mabuhay.
Sa mga taon na ako ay napalayo sa kanila, lalong napalayo na rin ang loob ko lalo na sa partner ko. Lage nlng kami nag aaway lalo na pag humihingi na sya ng pera. Nagduda na ako noon pa kung baket hindi man lang kami pinakikala sa pamilya nya at lalong tumindi ang pagduda ko nung Peneke nya rin ang mga birthcertificate ng mga anak namin kasi kahit hindi kami kasal, nilagyan nya ng date of marriage.
Dumating sa oras na ako ay napuno na at gusto ko ng totoong pamilya. Nakatagpo ako ng isang mabait at totoong tao while nasa abroad ako. Sinabi ko sa knya lahat ng nararamdaman ko tungkol sa problema ko. Hindi ko akalain na ako ay tatanggapin at mamahalin nya ng tunay.
Nung umuwi ako sa pilipinas 2 yrs ago naki pag hiwalay na ako sa ex partner ko. Pina uwi ko na sya sa kanila. Umalis sya dala ang 3 anak namin, mga gamit sa bahay, pera at kung ano pang pwede nyang madala.
Ngayon na kasal na ako at masaya sa aking totoong pamilya, nanggugulo sya.
Nakaktanggap ako ng mga text messages na nanakot sya na ipapakulong nya ako at ban working abroad dahil hindi daw ako nagbibigay ng suporta sa kanila.
Tanong ko lang po:
1. ang suporta ba sa mga bata dapat equally shared namin kahit walang trabaho ang ex partner ko?
2. pwede ba nya akong ipakulong at ban sa trabaho kaagad? or may process po ito?
3. pwede ba ako mag file ng threat or oral defamation sa mga text messages na pinagsasabi nya lalo na sa paninira nya sa wife ko?
4. pwede ko rin ba kasohan sya ng falsifying documents sa birth certificate ng mga anak namin?
5. and last po, malakas ang kutob ko na hindi nya tunay na pangalan ang ginagamit nya, may kaso po ba akong pwede isampa dito?