Magandang Araw! Nasama ang aking anak na 7 years old sa isang aksidente sa loob ng mall. Habang patakbo, papunta sa likod ko, ang aking anak, hindi sinasadyang nagkabanggaan sila ng isang food cart staff (na tumatakbo ng malibis). Pagkaharap ko, nakita ko ang anak kong nakatayo agad mula sa pagkakabagsak niya, habang ang staff ay nagmamadali din tumayo. Bilang ama, tinignan ko muna ang aking anak sa anumang injuries. sa awa ng Diyos, nagkaroon lang siya ng kaunting gasgas. Sunod kong tinignan ang nakabangga niya, nagkaroon ito ng cut sa kaliwang mata na nagresulta ng bleeding (dahil ito sa paghampas ng kanyang mukha sa flooring). Dinala kaagad siya sa first aid station ng mall at kinuha ko ang kanyang contact number para kamustahin siya from time-to-time. Ang tanong ko dito ay:
(1) Mayroon ba kaming liability sa taong injured?
(2) May participation ba ang mall management sa ganitong incident?
(3)Nais kong magbigay tulong sa nasugatan, maari ba niya itong gamitin sa laban sa akin? Na maari niyang sabihin na "guilty" ako kaya ko ito ginagawa?
Maraming salamat sa tutugon.